Mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa Pagtigil ng mga Mag-aaral sa Alternatibong Sistema ng Pagkatuto Tomarong, Jigger M.
Material type:
Capitol University, Lungsod Cagayan De Oro Mayo 2020)
Layunin ng pag-aaral na matukoy ang mga salik na nakaimpluwensiya sa pagtigil ng mga mag-aaral ng Alternatibong Sistema ng Pagkatuto, mula sa apatnapung bahagdan ng mag-aaral sa taong panuruan 2018-2019 sa isang Dibisyon ng Kagawaran ng Edukasyon sa Rehiyon X. Ipinaliwanag rin ang mga dahilan kung bakit nahikayat na mag-aral at pumasok sa Alternative Learning System (ALS) o Alternatibong Sistema ng Pagkatuto. Hindi na ibinilang ang mga mag-aaral na nakompleto ang programang Accreditation and Equivalency (A&E). Ginamit ang palarawang uri ng pananaliksik ng talatanungang sarbey nasumasaklaw sa paglalarawan ng perpil ng mga kalahok, pagtatala at pagsusuri sa mga datos at pagpapahalaga sa kondisyon ng mga baryabol. Ang talatanungang ginamit ay sinuri ng tatlong eksperto sa larangan ng pananaliksik at Alternatibong Sistema ng Pagkatuto at ito ay nakapasa sa validity test. Ang mga resulta ng pag-aaral ay hindi naging makabuluhan, ang kaibahan ng mga kalahok gaya ng kanilang edad, kasarian, kalagayang sibil, programang kinuha at kalagayang sosyal sa pagpapatala sa ALS. Ang mga dahilan ng kanilang pagpapatala sa ALS ay malapit ito sa kanilang mga tirahan, hindi araw-araw ang klase, mayroong trabaho ang ilan sa mga kalahok at ang naging impluwensiya ng kanilang barkada na magpatala. Sa pagsusuri ng pag-aaral sa mga salik o dahilan ng pagtigil sa pag-aaral ng mga kalahok ay mas piniling magtrabaho para sa pamilya, nawalan ng interes sa mga paksang tinatalakay at ang iba ay ang paglipat ng tirahan dahil na rin sa priyoridad ng kanilang trabaho. Nabatid ding may pagkakaiba ang mga katangian at pangangailangan ng mga mag-aaral sa Alternatibong Sistema ng Pagkatuto kung ihahambing sa pormal na edukasyon. Kinakailangan ang istilo sa pagtuturo na angkop sa kanilang kondisyon. Iminumungkahi sa pag-aaral ang paglulunsad ng Radio-Based Instruction (RB), isang alternative delivery mode gamit ang radio broadcasting upang maihatid ang mga programa ng ALS. Ito ay isang anyo ng distance learning sa pagpapalawak ng access ng edukasyon sa mismong kinaroroonan ng mga mag-aaral.
Edukasyon
There are no comments on this title.