Mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa Pagtigil ng mga Mag-aaral sa Alternatibong Sistema ng Pagkatuto (Record no. 2972)

MARC details
000 -LEADER
fixed length control field 02783nam a2200205Ia 4500
008 - FIXED-LENGTH DATA ELEMENTS--GENERAL INFORMATION
fixed length control field 221211s9999 xx 000 0 und d
100 ## - MAIN ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name Tomarong, Jigger M.
245 #0 - TITLE STATEMENT
Title Mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa Pagtigil ng mga Mag-aaral sa Alternatibong Sistema ng Pagkatuto
Statement of responsibility, etc. Tomarong, Jigger M.
502 ## - DISSERTATION NOTE
Name of granting institution Capitol University, Lungsod Cagayan De Oro
Year degree granted Mayo 2020)
520 ## - SUMMARY, ETC.
Summary, etc. Layunin ng pag-aaral na matukoy ang mga salik na nakaimpluwensiya sa pagtigil ng mga mag-aaral ng Alternatibong Sistema ng Pagkatuto, mula sa apatnapung bahagdan ng mag-aaral sa taong panuruan 2018-2019 sa isang Dibisyon ng Kagawaran ng Edukasyon sa Rehiyon X. Ipinaliwanag rin ang mga dahilan kung bakit nahikayat na mag-aral at pumasok sa Alternative Learning System (ALS) o Alternatibong Sistema ng Pagkatuto. Hindi na ibinilang ang mga mag-aaral na nakompleto ang programang Accreditation and Equivalency (A&E). Ginamit ang palarawang uri ng pananaliksik ng talatanungang sarbey nasumasaklaw sa paglalarawan ng perpil ng mga kalahok, pagtatala at pagsusuri sa mga datos at pagpapahalaga sa kondisyon ng mga baryabol. Ang talatanungang ginamit ay sinuri ng tatlong eksperto sa larangan ng pananaliksik at Alternatibong Sistema ng Pagkatuto at ito ay nakapasa sa validity test. Ang mga resulta ng pag-aaral ay hindi naging makabuluhan, ang kaibahan ng mga kalahok gaya ng kanilang edad, kasarian, kalagayang sibil, programang kinuha at kalagayang sosyal sa pagpapatala sa ALS. Ang mga dahilan ng kanilang pagpapatala sa ALS ay malapit ito sa kanilang mga tirahan, hindi araw-araw ang klase, mayroong trabaho ang ilan sa mga kalahok at ang naging impluwensiya ng kanilang barkada na magpatala. Sa pagsusuri ng pag-aaral sa mga salik o dahilan ng pagtigil sa pag-aaral ng mga kalahok ay mas piniling magtrabaho para sa pamilya, nawalan ng interes sa mga paksang tinatalakay at ang iba ay ang paglipat ng tirahan dahil na rin sa priyoridad ng kanilang trabaho. Nabatid ding may pagkakaiba ang mga katangian at pangangailangan ng mga mag-aaral sa Alternatibong Sistema ng Pagkatuto kung ihahambing sa pormal na edukasyon. Kinakailangan ang istilo sa pagtuturo na angkop sa kanilang kondisyon. Iminumungkahi sa pag-aaral ang paglulunsad ng Radio-Based Instruction (RB), isang alternative delivery mode gamit ang radio broadcasting upang maihatid ang mga programa ng ALS. Ito ay isang anyo ng distance learning sa pagpapalawak ng access ng edukasyon sa mismong kinaroroonan ng mga mag-aaral.
521 ## - TARGET AUDIENCE NOTE
Target audience note Edukasyon
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term Alternatibong Sistema ng Pagkatuto
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term Out-of-School-Youth
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term Mobayl Titser
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term Learning Session
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term Community Learning Center
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term Accreditation and Equivalency Test
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term Edukasyon
942 ## - ADDED ENTRY ELEMENTS (KOHA)
Source of classification or shelving scheme Dewey Decimal Classification
Koha item type For Identification

No items available.