Antas ng Pag-unawa sa Pagbasa at Talasalitaan ng mga Mag-aaral sa Ikapitong Mag-aaral Ahadain, Marlene

By: Material type: TextTextSubject(s): Dissertation note: Western Mindanao State University, Lungsod Zamboanga 2001 Summary: Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na tayahin ang antas ng pang-unawa sa pagbasa at sa talasalitaan ng mga piling mag-aaral sa ikapitong baitang sa isa sa mga pampublikong mataas na paaralan sa Lungsod Zamboanga. Isinaalang-alang din ang mga baryabol na kasarian at programang kinabibilangan upang mapatunayan kung mayroon ba itong makabuluhang kaugnayan sa antas ng pang-unawa sa pagbasa at talasalitaan ng mga kalahok. Mayroong 58 kalahok na boluntaryong nakibahagi sa pag-aaral na ito gamit ang stratified-ramdom sampling sa paraang lottery. Natuklasan sa pag-aaral na ang pangkalahatang antas ng pang-unawa sa pagbasa talasalitaan ng mga kalahok ay nasa frustration batay sa pamantayan ng Phil-IRI (Morris at Gunning, 2007). Natukoy din na nasa parehong antas “frustration” ang anatas ng pang-unawa sa pagbasa ng mga kalahok nang pinangkat ang mga datos ayon sa antas ng mga atanong gaya ng pag-alala, pang-unawa at pagsusuri. Ang baryabol na kasarian ay nagpakita ng makabuluhang pagkakaiba ngunit ang programang kinabibilangan ng mga kalahok ay walang makabuluhang pagkakaiba.
Item type: For Identification List(s) this item appears in: Itemtype - for identification
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
No physical items for this record

Western Mindanao State University, Lungsod Zamboanga 2001

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na tayahin ang antas ng pang-unawa sa pagbasa at sa talasalitaan ng mga piling mag-aaral sa ikapitong baitang sa isa sa mga pampublikong mataas na paaralan sa Lungsod Zamboanga. Isinaalang-alang din ang mga baryabol na kasarian at programang kinabibilangan upang mapatunayan kung mayroon ba itong makabuluhang kaugnayan sa antas ng pang-unawa sa pagbasa at talasalitaan ng mga kalahok. Mayroong 58 kalahok na boluntaryong nakibahagi sa pag-aaral na ito gamit ang stratified-ramdom sampling sa paraang lottery. Natuklasan sa pag-aaral na ang pangkalahatang antas ng pang-unawa sa pagbasa talasalitaan ng mga kalahok ay nasa frustration batay sa pamantayan ng Phil-IRI (Morris at Gunning, 2007). Natukoy din na nasa parehong antas “frustration” ang anatas ng pang-unawa sa pagbasa ng mga kalahok nang pinangkat ang mga datos ayon sa antas ng mga atanong gaya ng pag-alala, pang-unawa at pagsusuri. Ang baryabol na kasarian ay nagpakita ng makabuluhang pagkakaiba ngunit ang programang kinabibilangan ng mga kalahok ay walang makabuluhang pagkakaiba.

Edukasyon

There are no comments on this title.

to post a comment.
Share