Chabacano bilang Wikang Panturo: Bisa nito sa Kasanayang Ekspresin Filipino ng mga Mag-aaral sa Ikalimang Baitang Abdul, Mennalyn S.
Material type:
Western Mindanao State University, Lungsod Zamboanga 2011
Ang pag-aaral ay tungkol sa bisa ng paggamit ng Chabacano bilang wikang panturo at iugnay ito sa kasanayang ekspresib sa wikang Filipino ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang ng piling paaralan sa Lungsod Zamboanga. Siyamnapu ang mga respondent na pinili ayon sa purposive sampling. Napatunayan sa resulta ng pag-aaral na ang pangkalahatang antas ng kasanayang ekspresib sa Filipino ng mga kalahok ay mahusay. Lumabas din na antas sa kasanayang pasalita at kasanayang pasulat sa Filipino ng kalahok ay parehong mahusay. Samantala, natuklasan ang antas ng kasanayang ekspresib sa Filipino ng mga kalahok ayon sa kanilang unang wika na Bahasa Sug, Cebuano at Chavacano ay pare-parehong mahusay. Ito ay nangangahulugan na hindi nakakaapekto ang kanilang unang wika sa paggamit ng Chabacano bilang wikang panturo sa paglinang ng kasanayang ekspresib sa Filipino ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang. Natuklasan din na ang antas ng kasanayang ekspresib sa Filipino ng mga kalahok mula sa magkaibang pamayanan (marami at kakaunting nagsasalita ng Chabacano) ay pareho rin mahusay. Ang pamayanang kinabibilangan ng mga kalahok ay hindi nakaaapekto sa paggamit ng Chabacano bilang wikang panturo sa paglinang ng kasanayang ekspresib sa Filipino ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang. Napatunayan ding mabisa ang paggamit ng Chacano bilang wikang panturo sa paglinang ng kasanayang ekspresib sa Filipino ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang sa piling paaralan sa Lungsod Zamboanga. Ang mga inilahad na kinaalabasan sa pag-aaral ay makatwiran lamang sa imperikal na datos na sumusuporta sa Continuation of Biliteracy ni Hornberg (2002), Language Policy ni Spolsky (2011) at Interference Theory ni Selinker (1978). Iminungkahing ipagpatuloy ang estratehiyang ginagamit sa pagtuturo ng pagsasalita at pagsulat ng mga mag-aaral. Tumuklas at gumamit din ng iba pang angkop ma estratehiya sa pagtuturo ng mabisang ekspresib skills upang mas mapaunlad at mapahusay ang dalawang kasanayang nabanggit.
Edukasyon
There are no comments on this title.