Mga Kwentong Bayan: Hanguan ng Kultural na Pagkakakilanlan ng mga Blaan sa Emic at Etic na Perspektibo Cruspero-Mascardo, Debbie

By: Material type: TextTextSubject(s): Dissertation note: Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades, Mindanao State University, Lungsod General Santos Hunyo 2016 Summary: Layunin ng pag-aaral na kilalanin ang mga Blaan na naninirahan sa apat (4) na barangay (Kinilis, Landan, Maligo, Palkan) ng Polomolok, Timog Kotabato. Ang kuwentong bayang ito ay mga alamat, mito, pabula at salaysayin. Disenyong kuwalitatibo at kombinasyon ng pamamaraang deskriptibo at indiheno ang ginamit sa pag-aaral. Nagkaroon ng dalawang (2) set ng impormante na purong lumad na Blaan. Ginamit ang mga teoryang relativismo ng kultura, pagbasa at pagtanggap sa pagtukoy sa pag-uugali at paniniwala sa pananaw emic at etic na perspektibo na inilalarawan sa kanilang oral na literatura. Gayundin ang pagdulog kultural na nakaangkla naman sa teoryang bagong historisismo sa pagtukoy sa pag-uugali batay sa paniniwala (noon at ngayon). Iniangkla rin ang pag-aaral sa pagdulog feminista, pananaw emic at etic sa pagtukoy sa panloob at panlabas na kaakuhan ng mga Blaan na inilalarawan ng kanilang oral na literatura. Natulaksan sa pag-aaral , sa perspektibong panloob (emic), taglay ng lalaking Blaan ang labinsyam (19) na positibong pag-uugali na nakita mula sa mga kuwentong bayan. Samantalang labing apat (14) naman ang sa negatibong pag-uugali. Sa perspektibong panlabas (etic), nakita ang lahat ng mga positibong pag-uugaling nasa perspektibong panloob (emic) ng mga lalaki maliban sa pagiging sunud-sunuran.Lumalabas na labing walong (18) positibong pag-uugali lamang mayroon ang mga lalaking Blaan. Samantala, sa negatibong pag-uugali naman batay sa perspektibong panlabas (etic) ay may labinlimang (15) negatibong pag-uugaling nakita sapagkat nadagdag dito ang ugaling pagiging sunud-sunuran ng mga Blaan. Ipinaliwanag na mula sa natuklasan ay nabuo ang kongklusyon na sa pagtingin sa kultura ng isang lipi ay depende kung sino ang nag-eebalweyt. Ang bawat kasarian ay may kaniya-kaniyang pag-uugali (positibo at negatibo) na nagpapakilala sa kanilang pagkatao. Mas kinikilala ang mga lalaking Blaan kaysa sa babaeng Blaan sa kanilang lipi. Ang cultural diffusion, cross cultural marriages, edukasyon at akulturasyon, ang mga posibleng dahilan ng unti-unting pagkawala ng kultura ng mga Blaan sa Munisipalidad ng Polomolok, Timog Cotabato. Gayunpaman sa napakabilis na pagsulong ng makabagong teknolohiya, makikita pa rin sa kasalukuyang lipunan ng mga Blaan ang kulturang namana pa nila sa kanilang mga ninuno.
Item type: Disertasyon
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
No physical items for this record

Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades, Mindanao State University, Lungsod General Santos Hunyo 2016

Layunin ng pag-aaral na kilalanin ang mga Blaan na naninirahan sa apat (4) na barangay (Kinilis, Landan, Maligo, Palkan) ng Polomolok, Timog Kotabato. Ang kuwentong bayang ito ay mga alamat, mito, pabula at salaysayin. Disenyong kuwalitatibo at kombinasyon ng pamamaraang deskriptibo at indiheno ang ginamit sa pag-aaral. Nagkaroon ng dalawang (2) set ng impormante na purong lumad na Blaan. Ginamit ang mga teoryang relativismo ng kultura, pagbasa at pagtanggap sa pagtukoy sa pag-uugali at paniniwala sa pananaw emic at etic na perspektibo na inilalarawan sa kanilang oral na literatura. Gayundin ang pagdulog kultural na nakaangkla naman sa teoryang bagong historisismo sa pagtukoy sa pag-uugali batay sa paniniwala (noon at ngayon). Iniangkla rin ang pag-aaral sa pagdulog feminista, pananaw emic at etic sa pagtukoy sa panloob at panlabas na kaakuhan ng mga Blaan na inilalarawan ng kanilang oral na literatura. Natulaksan sa pag-aaral , sa perspektibong panloob (emic), taglay ng lalaking Blaan ang labinsyam (19) na positibong pag-uugali na nakita mula sa mga kuwentong bayan. Samantalang labing apat (14) naman ang sa negatibong pag-uugali. Sa perspektibong panlabas (etic), nakita ang lahat ng mga positibong pag-uugaling nasa perspektibong panloob (emic) ng mga lalaki maliban sa pagiging sunud-sunuran.Lumalabas na labing walong (18) positibong pag-uugali lamang mayroon ang mga lalaking Blaan. Samantala, sa negatibong pag-uugali naman batay sa perspektibong panlabas (etic) ay may labinlimang (15) negatibong pag-uugaling nakita sapagkat nadagdag dito ang ugaling pagiging sunud-sunuran ng mga Blaan. Ipinaliwanag na mula sa natuklasan ay nabuo ang kongklusyon na sa pagtingin sa kultura ng isang lipi ay depende kung sino ang nag-eebalweyt. Ang bawat kasarian ay may kaniya-kaniyang pag-uugali (positibo at negatibo) na nagpapakilala sa kanilang pagkatao. Mas kinikilala ang mga lalaking Blaan kaysa sa babaeng Blaan sa kanilang lipi. Ang cultural diffusion, cross cultural marriages, edukasyon at akulturasyon, ang mga posibleng dahilan ng unti-unting pagkawala ng kultura ng mga Blaan sa Munisipalidad ng Polomolok, Timog Cotabato. Gayunpaman sa napakabilis na pagsulong ng makabagong teknolohiya, makikita pa rin sa kasalukuyang lipunan ng mga Blaan ang kulturang namana pa nila sa kanilang mga ninuno.

Panitikan

There are no comments on this title.

to post a comment.
Share