Mga Kwentong Bayan: Hanguan ng Kultural na Pagkakakilanlan ng mga Blaan sa Emic at Etic na Perspektibo (Record no. 3263)

MARC details
000 -LEADER
fixed length control field 02983nam a2200181Ia 4500
008 - FIXED-LENGTH DATA ELEMENTS--GENERAL INFORMATION
fixed length control field 221211s9999 xx 000 0 und d
100 ## - MAIN ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name Cruspero-Mascardo, Debbie
245 #0 - TITLE STATEMENT
Title Mga Kwentong Bayan: Hanguan ng Kultural na Pagkakakilanlan ng mga Blaan sa Emic at Etic na Perspektibo
Statement of responsibility, etc. Cruspero-Mascardo, Debbie
502 ## - DISSERTATION NOTE
Name of granting institution Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades, Mindanao State University, Lungsod General Santos
Year degree granted Hunyo 2016
520 ## - SUMMARY, ETC.
Summary, etc. Layunin ng pag-aaral na kilalanin ang mga Blaan na naninirahan sa apat (4) na barangay (Kinilis, Landan, Maligo, Palkan) ng Polomolok, Timog Kotabato. Ang kuwentong bayang ito ay mga alamat, mito, pabula at salaysayin. Disenyong kuwalitatibo at kombinasyon ng pamamaraang deskriptibo at indiheno ang ginamit sa pag-aaral. Nagkaroon ng dalawang (2) set ng impormante na purong lumad na Blaan. Ginamit ang mga teoryang relativismo ng kultura, pagbasa at pagtanggap sa pagtukoy sa pag-uugali at paniniwala sa pananaw emic at etic na perspektibo na inilalarawan sa kanilang oral na literatura. Gayundin ang pagdulog kultural na nakaangkla naman sa teoryang bagong historisismo sa pagtukoy sa pag-uugali batay sa paniniwala (noon at ngayon). Iniangkla rin ang pag-aaral sa pagdulog feminista, pananaw emic at etic sa pagtukoy sa panloob at panlabas na kaakuhan ng mga Blaan na inilalarawan ng kanilang oral na literatura. Natulaksan sa pag-aaral , sa perspektibong panloob (emic), taglay ng lalaking Blaan ang labinsyam (19) na positibong pag-uugali na nakita mula sa mga kuwentong bayan. Samantalang labing apat (14) naman ang sa negatibong pag-uugali. Sa perspektibong panlabas (etic), nakita ang lahat ng mga positibong pag-uugaling nasa perspektibong panloob (emic) ng mga lalaki maliban sa pagiging sunud-sunuran.Lumalabas na labing walong (18) positibong pag-uugali lamang mayroon ang mga lalaking Blaan. Samantala, sa negatibong pag-uugali naman batay sa perspektibong panlabas (etic) ay may labinlimang (15) negatibong pag-uugaling nakita sapagkat nadagdag dito ang ugaling pagiging sunud-sunuran ng mga Blaan. Ipinaliwanag na mula sa natuklasan ay nabuo ang kongklusyon na sa pagtingin sa kultura ng isang lipi ay depende kung sino ang nag-eebalweyt. Ang bawat kasarian ay may kaniya-kaniyang pag-uugali (positibo at negatibo) na nagpapakilala sa kanilang pagkatao. Mas kinikilala ang mga lalaking Blaan kaysa sa babaeng Blaan sa kanilang lipi. Ang cultural diffusion, cross cultural marriages, edukasyon at akulturasyon, ang mga posibleng dahilan ng unti-unting pagkawala ng kultura ng mga Blaan sa Munisipalidad ng Polomolok, Timog Cotabato. Gayunpaman sa napakabilis na pagsulong ng makabagong teknolohiya, makikita pa rin sa kasalukuyang lipunan ng mga Blaan ang kulturang namana pa nila sa kanilang mga ninuno.
521 ## - TARGET AUDIENCE NOTE
Target audience note Panitikan
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term emic
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term etic
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term d’wata
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term perspektibo
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term Panitikan
942 ## - ADDED ENTRY ELEMENTS (KOHA)
Source of classification or shelving scheme Dewey Decimal Classification
Koha item type Disertasyon
999 ## - SYSTEM CONTROL NUMBERS (KOHA)
-- Disertasyon

No items available.