Persepsiyon sa Kabisaan ng Wikang Filipino at Alternatibong Sistema ng Pagkatuto (ALS) sa Pagtuturo sa mga Piling Learning Center sa Pambansang Punong Rehiyon Aguilar, Hermeline E.

By: Material type: TextTextSubject(s): Dissertation note: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Paaralang Gradwado 2015 Summary: Sa layunin ng pag-aaral, nakasaad na nakatulong upang mataya ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang kahusayan ng kanilang programa sa ilalim ng Bureau of Alternative Learning System (ALS). Gayundin nakapagdagdag ng mga panibagong tuklas hinggil sa kahusayan ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo at pagkatuto ng mag-aaral. Sinikap sa pag-aaral na alamin ang Persepsiyon sa Kabisaan ng Wikang Filipino at ALS sa pagtuturo sa mga pilíng Learning Center sa Pambansang Punong Rehiyon. Ginamit na pamantayan sa pag-aaral ang Learning at Training EvaluationTheory ni Kirk Patrick upang mataya ang bisa ng programa sa pamamagitan ng apat (4) na kraytirya (reaksiyon, pagkatuto, kaasalan, at resulta). Natugunan ang persepsiyon ng mga mag-aaral at tagapamahala bilang kraytirya ng reaksiyon at ang panimulang propayl at kasalukuyang kalagayan ng 839 na mag-aaral matapos sumailalim sa programa ng ALS sa 126 na mga learning center na pinamamahalaan ng 251 Tagapamahala ng Pagkatuto. Natuklasan sa pag-aaral ni Aguilar na pinakamabisang midyum ang Filipino sa pagtatasá ng mga tagapamahala ng pagkatuto samantalang mabisang-mabisa ito sa pagtatasá ng mga mag-aaral. Nakita rin ang malaking pag-unlad sa pagitan ng pagkatuto, kaasalan, at resulta ng programa sa mag-aaral.
Item type: Tesis
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
No physical items for this record

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Paaralang Gradwado 2015

Sa layunin ng pag-aaral, nakasaad na nakatulong upang mataya ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang kahusayan ng kanilang programa sa ilalim ng Bureau of Alternative Learning System (ALS). Gayundin nakapagdagdag ng mga panibagong tuklas hinggil sa kahusayan ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo at pagkatuto ng mag-aaral. Sinikap sa pag-aaral na alamin ang Persepsiyon sa Kabisaan ng Wikang Filipino at ALS sa pagtuturo sa mga pilíng Learning Center sa Pambansang Punong Rehiyon. Ginamit na pamantayan sa pag-aaral ang Learning at Training EvaluationTheory ni Kirk Patrick upang mataya ang bisa ng programa sa pamamagitan ng apat (4) na kraytirya (reaksiyon, pagkatuto, kaasalan, at resulta). Natugunan ang persepsiyon ng mga mag-aaral at tagapamahala bilang kraytirya ng reaksiyon at ang panimulang propayl at kasalukuyang kalagayan ng 839 na mag-aaral matapos sumailalim sa programa ng ALS sa 126 na mga learning center na pinamamahalaan ng 251 Tagapamahala ng Pagkatuto. Natuklasan sa pag-aaral ni Aguilar na pinakamabisang midyum ang Filipino sa pagtatasá ng mga tagapamahala ng pagkatuto samantalang mabisang-mabisa ito sa pagtatasá ng mga mag-aaral. Nakita rin ang malaking pag-unlad sa pagitan ng pagkatuto, kaasalan, at resulta ng programa sa mag-aaral.

Edukasyon

There are no comments on this title.

to post a comment.
Share