Filipino sa Ilang Piling Tabloid: Tungo sa Fleksibol na Istandardisasyon sa Ispeling ng mga Hiram na Salita (Record no. 3131)

MARC details
000 -LEADER
fixed length control field 02439nam a2200181Ia 4500
008 - FIXED-LENGTH DATA ELEMENTS--GENERAL INFORMATION
fixed length control field 221211s9999 xx 000 0 und d
100 ## - MAIN ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name Guevara, Michelle P.
245 #0 - TITLE STATEMENT
Title Filipino sa Ilang Piling Tabloid: Tungo sa Fleksibol na Istandardisasyon sa Ispeling ng mga Hiram na Salita
Statement of responsibility, etc. Guevara, Michelle P.
502 ## - DISSERTATION NOTE
Name of granting institution Paaralang Gradwado, UP Diliman Kolehiyo ng Arte at Literatura, Lungsod Quezon
Year degree granted 2003
520 ## - SUMMARY, ETC.
Summary, etc. Naging layunin ng saliksik ni Guevarra na tukuyin ang sistema ng pagbaybay ng mga hiram na salita na mababasa sa mga tabloid sa Kalakhang Maynila. Inilahad ang iba’t ibang paraang ginamit ng mga awtor sa panghihiram. Prestihiyo at lawak ng sirkulasyon ang isinaalang-alang ni Guevarra sa pagpili ng limang tabloid na kinabibilangan ng Abante, Abante Tonite, Kabayan, People’s Balita, at Pilipino Star Ngayon. Nakalikom ng 8,100 hiram na salita at parirala ang nakalap ni Guevarra mula sa isang linggong edisyon ng nabanggit na mga tabloid. Natuklasan at natukoy sa pag-aaral ang sistema ng pagbaybay ng mga hiram na salita sa mga tabloid sa Metro Manila. Tinangka ring makita ang iba’t ibang pamamaraang ginagamit ng mga editor sa panghihiram. Napatunayan sa pag-aaral na palasak ang panghihiram sa Ingles sa tabloid at pinapaburan ito ng mga editor nang hindi binabago ang mga salita o parirala bagaman may mga pagkakataong binabaybay rin sa Filipino ang mga hiram na salita sa paraang ponemiko. Nakatulong ang pagsusuring ito sa pagbuo ng isang pamantayan sa pagbaybay ng mga hiram na sa mga tabloid sa Metro Manila. Nagsilbing gabay at patnubay ang pag-aaral tungo sa pormulasyon ng mga batayang prinsipyong gagamitin ng mga palimbagan sa pagbaybay ng mga hiram na salita. Sa kabuoan, natukoy ni Guevarra ang sumusunod na pamantayan sa panghihiram gaya ng (1) salitang Ingles na hindi binabago ang orihinal na anyo; (2) pariralang Ingles na may na may dalawang salita na hindi binabago ang orihinal na anyo; (3) pariralang Ingles na may tatlo o higit pang salita na hindi binabago ang orihinal na anyo; (4) salitang Ingles na binabaybay sa Filipino sa paraang ponemik; (5) salitang Español na hindi binabago ang orihinal na anyo; at (6) salitang Español na binabaybay sa paraang ponemik.
521 ## - TARGET AUDIENCE NOTE
Target audience note Lingguwistika
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term Lingguwistika
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term pagsasalin
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term salitang-hiram o hiram na salita
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term pagbaybay
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED
Uncontrolled term tabloid na pahayagan
942 ## - ADDED ENTRY ELEMENTS (KOHA)
Source of classification or shelving scheme Dewey Decimal Classification
Koha item type Tesis
999 ## - SYSTEM CONTROL NUMBERS (KOHA)
-- Tesis

No items available.