Kooperatibong Pagkatuto ng mga Mag-Aaral sa Asignaturang Filipino, Isang Pandalubhasaang Pananaliksik (Record no. 2971)
[ view plain ]
000 -LEADER | |
---|---|
fixed length control field | 02192nam a2200157Ia 4500 |
008 - FIXED-LENGTH DATA ELEMENTS--GENERAL INFORMATION | |
fixed length control field | 221211s9999 xx 000 0 und d |
100 ## - MAIN ENTRY--PERSONAL NAME | |
Personal name | Ipil, George T. |
245 #0 - TITLE STATEMENT | |
Title | Kooperatibong Pagkatuto ng mga Mag-Aaral sa Asignaturang Filipino, Isang Pandalubhasaang Pananaliksik |
Statement of responsibility, etc. | Ipil, George T. |
502 ## - DISSERTATION NOTE | |
Name of granting institution | University of Perpetual Help System Laguna |
Year degree granted | Mayo 2020 |
520 ## - SUMMARY, ETC. | |
Summary, etc. | Pangunahing layunin nitong pag-aaral na suriin ang kabisaan ng kooperatibong pagkatuto sa asignaturang Filipino sa piling mga mag-aaral ng ikasampung baitang ng Southville 5-A Integrated National High School. Ginamit ang apatnapung (40) bilang ng mga mag-aaral na hinati sa dalawang pangkat. Unang pangkat ang Eksperimental na Grupo at ang ikalawang pangkat naman ay ang Kontroladong (Control) Grupo. Ginamit ni Ipil ang teoryang Constructivism na nakabatay sa prinsipyo ng ‘Learning by Doing’ mula sa Cooperative Learning Approach (CLA), kung saan hinayaan ang mga mag-aaral na ilipat ang kanilang kaalaman. Ang responsabilidad sa pagkatuto ay dapat nakaatang sa mga mag-aaral at hindi katulad sa tradisyonal na ang guro ang pinakasentro ng klase. Batay sa resulta ng pag-aaral mula sa mga iskor ng pre-test at post test sa mga mag-aaral na sumailalim at hindi sumailalim sa pamamaraang kooperatibong pagkatuto sa asignaturang Filipino, mas mabisa ang pamamaraang kooperatibong pagkatuto kung ihahambing sa tradisyonal na pamamaraan sa pagtuturo sa asignaturang Filipino. Ang mga mag-aaral na ginamitan ng kooperatibong pagkatuto ay may mas mataas ang pagkatuto at hinahayaan din nito na sila ang mag-isip ng mas kritikal at aktibo kasama ang mga kapuwa nila mag-aaral. Ang naging resulta ng pag-aaral na ito ang nagbigay-daan upang imungkahi ni Ipil na gamitin ang kooperatibong pamamaraan ng pagkatuto para sa mga mag-aaral. Ito ay upang matuklasan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling kakayahan. At mababawasan ng bigat ang pagtuturo dahil nagiging facilitator na ang guro imbes na ‘one-man team’ pagdating sa pagtuturo ng mga aralin. |
521 ## - TARGET AUDIENCE NOTE | |
Target audience note | Edukasyon |
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED | |
Uncontrolled term | Constructivism,Collaborative Learning |
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED | |
Uncontrolled term | Cooperative Learning Approach |
653 ## - INDEX TERM--UNCONTROLLED | |
Uncontrolled term | Edukasyon |
942 ## - ADDED ENTRY ELEMENTS (KOHA) | |
Source of classification or shelving scheme | Dewey Decimal Classification |
Koha item type | For Identification |
No items available.