Kooperatibong Pagkatuto ng mga Mag-Aaral sa Asignaturang Filipino, Isang Pandalubhasaang Pananaliksik
Ipil, George T.
Kooperatibong Pagkatuto ng mga Mag-Aaral sa Asignaturang Filipino, Isang Pandalubhasaang Pananaliksik Ipil, George T.
Pangunahing layunin nitong pag-aaral na suriin ang kabisaan ng kooperatibong pagkatuto sa asignaturang Filipino sa piling mga mag-aaral ng ikasampung baitang ng Southville 5-A Integrated National High School. Ginamit ang apatnapung (40) bilang ng mga mag-aaral na hinati sa dalawang pangkat. Unang pangkat ang Eksperimental na Grupo at ang ikalawang pangkat naman ay ang Kontroladong (Control) Grupo. Ginamit ni Ipil ang teoryang Constructivism na nakabatay sa prinsipyo ng ‘Learning by Doing’ mula sa Cooperative Learning Approach (CLA), kung saan hinayaan ang mga mag-aaral na ilipat ang kanilang kaalaman. Ang responsabilidad sa pagkatuto ay dapat nakaatang sa mga mag-aaral at hindi katulad sa tradisyonal na ang guro ang pinakasentro ng klase. Batay sa resulta ng pag-aaral mula sa mga iskor ng pre-test at post test sa mga mag-aaral na sumailalim at hindi sumailalim sa pamamaraang kooperatibong pagkatuto sa asignaturang Filipino, mas mabisa ang pamamaraang kooperatibong pagkatuto kung ihahambing sa tradisyonal na pamamaraan sa pagtuturo sa asignaturang Filipino. Ang mga mag-aaral na ginamitan ng kooperatibong pagkatuto ay may mas mataas ang pagkatuto at hinahayaan din nito na sila ang mag-isip ng mas kritikal at aktibo kasama ang mga kapuwa nila mag-aaral. Ang naging resulta ng pag-aaral na ito ang nagbigay-daan upang imungkahi ni Ipil na gamitin ang kooperatibong pamamaraan ng pagkatuto para sa mga mag-aaral. Ito ay upang matuklasan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling kakayahan. At mababawasan ng bigat ang pagtuturo dahil nagiging facilitator na ang guro imbes na ‘one-man team’ pagdating sa pagtuturo ng mga aralin.
Edukasyon
Constructivism,Collaborative Learning Cooperative Learning Approach Edukasyon