000 | 01706nam a2200157Ia 4500 | ||
---|---|---|---|
008 | 221211s9999 xx 000 0 und d | ||
100 | _aClemente, Cresencio G. | ||
245 | 0 |
_aSa Paanan ng Bahaghari at Iba Pang Kuwento" _cClemente, Cresencio G. |
|
502 |
_cPaaralang Gradwado Pamantasang Ateneo de Manila _d1978 |
||
520 | _aLayunin ng saliksik ni Clemente na makapaghain ng teorya ukol sa panitikang Filipino na sinulat ng mga Filipino upang hindi palaging panitikang kanluranin ang oryentasyon ng ating mga manunulat at kritiko. Inilarawan dito ang kuwento bilang likhang-sining na naghahanap ng kagandahan. Sa pamamagitan ng pagkukuwento, nalalantad tayo sa lakas ng ating kaligiran na siyang nagtatakda kung ano ang maituturing na maganda. Ang tinutukoy na kaligiran ay walang iba kundi ang lipunan sa isang tanging panahon na pinag-uukulan ng katha na ang bisa ng lakas ay may kapangyarihang humubog ng paniniwala, pamamaraan, at layunin sa pagkatha. Ipinaalala na sa pagtatangka ni Clemente na maging alagad ng sining, kailangang magtakda ng hanggahan sa pagtugon sa hinihinging maganda ng lipunan. Binanggit dito ang mga katangiang dapat taglayin ng kuwento gaya ng may tanging lipunang pinaglilingkuran, umaaliw sa mambabasa, may kaugnayan sa kasaysayan, salamin ng ugali ng lipunan, may pinangungunyapitang tradisyon, may pagtutunggali, may ipinahihiwatig na damdaming may katumbas sa daigdig, may aral ang paksang-diwa, may tatak ng katauhan ng may katha, at tumatalakay, kung minsan, ng makamundong pag-iibigan. | ||
521 | _aPanitikan | ||
653 | _aPanitikan | ||
653 | _ateorya ng pagsusuri ng maikling kuwento | ||
653 | _akatangian ng maikling kuwento | ||
942 |
_2ddc _cTESIS |
||
999 |
_xTesis _c3367 _d3367 |