000 01994nam a2200181Ia 4500
008 221211s9999 xx 000 0 und d
100 _aAtienza, Glecy C.
245 0 _aAng Dinamiko ng Improbisasyon sa Dulang Pulitikal sa Pilipinas 1970-1992
_cAtienza, Glecy C.
502 _cUnibersidad ng Pilipinas
_dAbril 2001
520 _aLayunin ng pag-aaral ni Atienza na mailugar ang dinamiko ng improbisasyon sa dulang politikal mulang 1970-1992. Ipinagpapalagay na nagtatakda ito ng pagbabagong anyo, pagbabagong puwesto, at pag-iral nito sa kasaysayan ng karanasang pandula sa Pilipinas. Ang dinamiko ng improbisasyon ay laging bahagi ng pagsasadula, hayag man o hindi, at mababakas sa teksto, pagsasadula, at proseso ng paglikha ng dula. Patuloy itong humahamon sa kalakaran sa dula at lipunan kaya’t napatitingkad ang politikal na katangian ng improbisasyon ng dula. Tinalakay sa pag-aaral ni Atienza ang tatlong mahahalagang katangian ng improbisasyon—ang lawak ng paglahok, pag-aangkop, at panahon na pawang dinamiko at nagtatakda ng kalagayan sa pag-iral, di pag-iral, o pagbabagong puwesto at anyo ng dula kaugnay ng mga gitgitang pangkapangyarihan sa lipunan. Ginamitan ang saliksik ng participation observation na nakabatay sa tuwirang paglahok ni Atienza sa larangan ng dula mulang 1976 hanggang sa kasalukuyan bilang aktor, direktor, manunulat, kagawad ng produksiyon, mananaliksik, dokumentarista, at organisador. Nangalap din ng mga datos sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga mandudula, pagdalo sa mga palihan at pista ng dula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Ginamit ding kasangkapan sa pagsusuri ang mga terminolohiyang pandula upang tukuyin ang aspekto ng produksiyon na nagbibigay pansin sa espasyo, dula, proseso ng paglikha, at ang mga kalahok sa paglikha ng dula.
521 _aPanitikan
653 _adula
653 _aimprobisasyon
653 _adinamiko ng improbisasyon
653 _adulang politikal
653 _aPanitikan
942 _2ddc
_cDIS
999 _xDisertasyon
_c3313
_d3313