000 02112nam a2200169Ia 4500
008 221211s9999 xx 000 0 und d
100 _aCabrera, Jr, Honorato
245 0 _aIsang Mapanuring Pagpapahalagang Pormalismo at Pagpapakabuluhang Feminismo ng mga Piling Tulang Homosekswal ni Rolando A. Bernales
_cCabrera, Jr, Honorato
502 _cBulacan State University
_dMayo 2005
520 _aLayunin ng pag-aaral na masuri ang teksto at konteksto ng kalipunan ng mga tulang homoseksuwal sa pamamagitan ng pagdulog na pormalista at feminista. Sinuri ang labinlimang (15) tula mula sa aklat na Panitikang Panrehiyon ng Pilipinas (Villafuerte P. et al 2000). (1) Ang pagiging bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo; (2) Bakla; (3) Lalaki; (4) Babae; (5) Huwag mong Sisihin ang Iyong Sarili; (6) Balaraw;(7) Bakit Kaydalas Dumating ng Gabing Ganito; (8) Isang Pagtatakda; (9) Kagabi..Habang Pinagmamasdan ko ang mga Tala at Buwan; (10) Kumpisal; (11) Sa Gabing Ganito; (12) Elehiya Kay X; (14) Elehiya kay Z; at (15) Elehiya Kay X, Y, Z. Sa paggamit ng pormalismo, napatunayan na lutang at may sariling estilo si Bernales sa pag-akda. Matibay ang saligang estruktural ng mga tula. Ginamit ang malayang taludturan sa pagsisiwalat ng mga tagong lihim. Napagtagumpayan ng may akda ang retorikal at gramatikal na pamantayan. Punumpuno ng simbolismo, larawang-diwa at talinghaga ang mga tula. Napatunayan niya sa ginawang paghihimagsik na dapat maging malay at di dapat pabilanggo sa mga sinaunang alituntunin sa paglikha ng tula. Samantala, sa paggamit ni Cabrera sa kaniyang pag-aaral, ang pagdulog-feminista sa pagsusuri sa mga tula, napatunayan ang unti-unting pagkatuklas sa tagong lihim ng mga tulang homoseksuwal ni Bernales. Bagamat itong pagdulog na feminista ay isinilang dahil sa matinding pakikibaka ng mga kababaihan laban sa patriyarka, ito ay umangkop sa kalagayan ng mga bakla sapagkat nakararanas din sila ng ganitong opresyon.
521 _aPanitikan
653 _afeminismo
653 _atulang homoseksuwal
653 _apormalismo.
653 _aPanitikan
942 _2ddc
_cTESIS
999 _xTesis
_c3296
_d3296