000 01830nam a2200181Ia 4500
008 221211s9999 xx 000 0 und d
100 _aRomero, Kristine V.
245 0 _aPagtitig at Paghulma sa Katawan ng Babae bilang Imahen ng Bayan: Isang Pagsusuring Kritikal sa Nobelang Sampaguitang Walang Bango ni Iñigo Ed Regalado
_cRomero, Kristine V.
502 _cPamantasang Ateneo de Manila, Lungsod Quezon
_d2007
520 _aLayunin ng pag-aaral na mailahad ang kaugnayan ng panitikan sa kasaysayan sapagkat dito naitala ang mga detalye ng karanasan ng pananakop, paghihirap sa kamay ng mga dayuhan, pagsasakripisyo ng marami para sa kalayaan, reaksiyon ng mga manunulat sa nasaksihang karanasan ng pagkalupig ng kaniyang bayan, at pagtugon sa mga hámong kinakaharap sa pagbuo ng bayan. Napili ang nobelang Sampaguitang Walang Bango dahil binigyang pansin nito ang epekto ng kolonyalismo sa kulturang Filipino kasabay ng paghahanap ng identidad ng bayan. Partikular na Itinampok sa nobela ang babae bilang talinghagang nakakawing sa katangian ng “ina” at “bayan” gayundin ang pagbuo ng bayan at pagtataguyod ng nasyonalismo sa panahong Amerikano. Maliban sa pag-uugnay sa babae sa diskurso ng nasyonalismo, tinukoy din ang bisa ng paggamit ng babae bilang representasyon ng pakikibaka para sa pagpapalaya, paghahanap, o pagbuo ng bayan nang higit pa sa aspektong kultural. Sa kabuoan, binibigyan ng tunay na paglalarawan ang babaeng Filipina sa panahong saklaw ng pagkakasulat ng nobela at bilang tagaluwal ng mga kaisipang gigising sa natutulog na diwa at damdamin ng mga Filipino para sa pangangalaga ng mga kinagisnang pagkakakilanlan ng bayan.
521 _aPanitikan
653 _ababae
653 _aimahen
653 _anobela
653 _aidentidad
653 _aPanitikan
942 _2ddc
_cTESIS
999 _xTesis
_c3293
_d3293