000 02065nam a2200181Ia 4500
008 221211s9999 xx 000 0 und d
100 _aTan-Pardillada, Joanne Marisse
245 0 _aLinggwistikong Analisis sa mga Piling Tulang Subuanun’g Binisaya ni Hope Sabanpan-Yu
_cTan-Pardillada, Joanne Marisse
502 _cCebu Normal University-Lungsod Cebu
_d2014
520 _aSinuri ang mga piling tula ni Hope Sabanpan Yu na pinamagatang “Kining Panaw”, “Lipatlipat”, “Kawad’on”, “Ang Dili Kalikayang Bahin”, at “Kaamgohan” upang mapalitaw ang istandardisasyon ng ortograpiya sa lingguwistika, surface structure at deep structure ng mga taludtod. Ginamit ang Qualitative Research Method na lingguwistikang analisis sa pagsusuri sa nilalaman ng mga piling tula. Natugunan ang mga suliranin mula sa teoryang obhektibo at teoryang mimetiko sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga surface structure at deep structure ng mga tula. Natuklasang ang mga piling tula ay nakabatay sa ibang istandardisasyon ng ortograpiya at hindi nito ginamit ang ortograpiyang may tatlong patinig at labinlimang katinig na nakasaad sa aklat ni Pesirla. Naglalaman din ng lingguwistikong pormula kung saan ginamit ng makata ang “tudling-hulma” ng Sugbuanong Binisaya na nauuna ang panaguri sa simuno ng mga pangungusap. Nahinuha rin na ang mga piling tula ay naglalaman ng mga deep structure ng tula na may mga mensahe o simbolismong nakatago sa mga taludtod. Batay sa mga natuklasan at kongklusyon, inirekomendang sundin ang lingguwistika ng Sugbuanong Binisaya sa mga malikhaing pagsulat dahil sa ganitong paraan mapapalitaw ang surface structure ng mga komposisyon. Para mapayaman ang pagsusuri sa panitikan ay hikayatin ng mga manunulat na gumamit ng mga simbolismo o matatalinghagang salita sa makakapagpapayaman ng deep structure ng tula.
521 _aLingguwistika
653 _aLingguwistika
653 _atulang Subuanun’g Binisaya
653 _alingguwistiko
653 _aistandardisasyon
653 _aortograpiya
942 _2ddc
_cTESIS
999 _xTesis
_c3057
_d3057