000 02078nam a2200157Ia 4500
008 221211s9999 xx 000 0 und d
100 _aSantos,Merle C.
245 0 _aEpektibong Pagtuturo at Pagkatuto ng Asignaturang Filipino Kaugnay ng Paggamit ng Kinagisnang Wika
_cSantos,Merle C.
502 _cMae-Filipino, Bulacan State University
_d2005
520 _aSumandig ang pag-aaral sa pangunahing layunin na masuri ang posibleng kaugnayan ng paglalapat ng kinagisnang wika sa pagtuturo at pagkatutoo ng asignaturang Filipino sa Ikalawang taon ng Sekondarya ng Edukasyon sa Bro. Andrew Gonzales Technical High School sa Cluster VI sa San Juan Apalit, Distrito ng Pampanga. Tinugunan sa pag-aaral ang mga suliranin tulad ng iba’t ibang pamamaraan na saklaw ng mga prinsipyo at teyorya ng kuwalitatibong pananaliksik. Nagsagawa ng pakikipanayam, pag-oobserba ng mga klase sa Filipino at talakayan sa grupo (focus group discussion) sa guro sa Filipino. Natuklasan sa pag-aaral ang mga datos mula sa indibidiwal na panayam at tinatawag na “focus group discussion”. Binigyang diin ang nakitang pangangailangan ng pagpapalawig ng DepEd sa pagpapatupad ng pagtuturo ng Filipino gamit ang kinagisnang wika bilang susi ng isang makabuluhan at mas angkop na edukasyon para sa mga mag-aaral. Ang pagtaas ng pang-unawa ng nilalaman ng asignaturang Filipino ng mga mag-aaral ang nagging pinakamalaking kontribusyon ng paggamit ng kinagisnang wika. Sa pagtuturo at pagkatuto ng asignaturang Filipino sa Ikalawang Taon ng Sekondarya ay isa sa mabisang kasangkapang pedagohikal (pedagogical tool) na nagsilbing tulay sa malaking patlang sa pagitan ng kultura at kakayahan ng mga mag-aaral at ng kalidad sa pagtuturo. Malinaw sa mga resulta na ang focus group discussion ang kahalagahan na nagbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na matututo at tumuklas ng kanilang mga kakayahan at mga bagong kaalaman kaugnay ng paggamit ng kinagisnang wika.
521 _aEdukasyon
653 _aEdukasyon
653 _akinagisnang wika
653 _afocus group discussion
942 _2ddc
_cFORID
999 _c3020
_d3020