000 02093nam a2200193Ia 4500
008 221211s9999 xx 000 0 und d
100 _aSaavedra, Analyn D.
245 0 _aAntas ng Kahusayan sa Kasanayang Ekspresib ng mga Mag-aaral sa Ikaanim na Baitang ng Paaralang Elementarya ng Cawit, Lungsod ng Zamboanga
_cSaavedra, Analyn D.
502 _cWestern Mindanao State University, Lungsod Zamboanga
_d2011
520 _aKuwantitatibong pananaliksik itong gumamit ng disenyong ginamit ay Descriptive Correlational Evaluative. Nilalayon sa pag-aaral na tayahin ang antas ng kahusayan sa kasanayang ekspresib ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang ng Paaralang Elementarya ng Cawit, Lungsod Zamboanga sa taong panuruang 2010-2011. Tatlumpung (30) mag-aaral ang ginamit sa stratified-random sampling. Parehong instrument ang ginamit sa pagtaya ng antas ng kahusayan sa kasanayang pasalita at pasulat ng mga kalahok. Binigyan ng tatlong rater mula sa panel ang isinulat at inirekord na salaysay ng mga kalahok. Napatunayan sa pangkalahatang antas ng kahusayan sa pagsasalita ng mga kalahok batay sa komponent na gawain tulad ng talasalitaan, istruktura at bilang ng mga salita ay katamtaman. Ito rin ang marka sa pangkalatang antas sa pagsulat. Natuklasan din sa pag-aaral na may makabuluhang kaugnayan sa pagsasalita at pasulat, kung ang mga kalahok ay mahusay sa kasanayang pasalita, mahusay rin sa kasanayang pasulat. Samantala, kung mahina sa kasanayang pasalita ay mahina sa kasanayang pasulat. Dagdag pa na ang mga babaeng kalahok ay mas mahusay sa pagsasalita kaysa sa mga kalahok na lalaki. Hindi rin nakaapekto ang unang wika sa antas ng pagsasalita at pagsusulat. Iminungkahi ni Saavedra na magkaroon ng ibang pag-aaral sa ibang asignatura para lalong maging aktibo ang mga mag-aaral at kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino hindi lamang sa komunikasyon at retorika.
521 _aEdukasyon
653 _aEdukasyon
653 _apagsasalita
653 _apagsusulat
653 _aekspresib
653 _akuwantitatibo
653 _aantas ng kahusayan
942 _2ddc
_cFORID
999 _c3008
_d3008