000 03428nam a2200217Ia 4500
008 221211s9999 xx 000 0 und d
100 _aRamos, Jun-Jun R.
245 0 _aTeorya, Uri, Pamamaraan at Karanasan sa Pagbasa ng mga Mag-Aaral sa Senior High School sa mga Piling Mag-Aaral sa Ikalawang Distrito
_cRamos, Jun-Jun R.
502 _cPamantasang Estado ng Isabela, Echague, Isabela
_d2018
520 _aTungkol itong pag-aral sa karanasan ng mga mag-aaral sa senior high school sa Ikalawang Distrito ng Isabela sa pagtalakay sa teorya, uri, pamamaraan at karanasan sa pagbasa. Ginamit sa saliksik ang deskriptibo at correlational na pamaraan na isinagawa mula Enero hanggang Hulyo 2018. Napatunayang higit na nakararami ang babae, karamihan ay nagbabasa ng libro, diyaryo at magasin at ang wikang ginagamit ay Ilokano. Ginamit ng respondent ang cellphone na kagamitang panteknolohiya. Napatunayan din na ang kadalasang ginamit ng mga respondent ay ang teoryang bottom-up o ibaba-pataas at teoryang metakognitibo sa pagbabasa. Sa mga uri ng pagbasaginamit ng mga mag-aaral ang pamuling-basa. Ang iba pang mga resulta ng pag-aaral ay ang naranasan ng mga respondent sa uri ng pagbasang iskiming, iskaning, metakognitibo, kritikal at komprehensibo. Batay sa paraan ng pagbabasa, pinili ng mga respondent ang tahimik na pagbasa.Sa estratehiya ng pagbabasa, nakatulong ang mga teoryang top-down, bottom-up, iskema, interaktibo, metakognitibo, kritikal at komprehensibong pagbabasa upang mapaunlad ang kasanayan ng mga respondent sa pagbabasa maging ang kanilang kakayahan sa pag-unawa. Napatunayan din sa paraang skaning, skiming, kaswal, kritikal, pamuling-basa, basang-tala at suring-basa ay nakatulong sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa at pag-unawa. Halos walang kaugnayan ang profile ng mga respondent sa teorya, uri at paraan at estratehiya sa pagbasa. Sa kabila nito, napatunayan pa ring may makabuluhang ugnayan ang uri ng babasahin sa teoryang iskema mula sa kanilang unang wika. Bilang karagdagan, mayroon ding makabuluhang ugnayan ang kasarian sa suring-basa bilang uri ng pagbasa, dahil mayroong mahalagang ugnayan ang unang wika sa pasalitang paraan sa pagbasa. Nagkaroon ng makabuluhan at positibong ugnayan sa uri ng babasahin at kagamitang panteknolohiya sa ilang karanasan sa pagbabasa. Gayondin, mayroon din namang hindi direktang ugnayan ang unang wika, uri ng babasahin at kagamitang panteknolohiya sa karanasan sa pagbasa ng mga respondent ng pag-aaral. Iminumungkahi ni Ramos ang ilang pag-aaral tulad ng mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino na magkaroon ng iba pang estratehiya sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa at pag-unawa mga mag-aaral sa senior high schoolupang mapataas ang kanilang mga retensiyon at pag-unawa sa mahahalagang detalye ng teksto. Maaaring gamitin sa akademikong gawain ang mga kagamitang panteknolohiya ng mga mag-aaral sapagkat napatunayang mayroong positibong kaugnayan ang mga ito sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa senior high school.At magsagawa pa ng mga pag-aaral ukol sa kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.
521 _aEdukasyon
653 _adomeyn ng pagbasa
653 _amag-aaral
653 _apagbasa
653 _ateorya ng pagbasa
653 _apamamaraan ng pagbasa
653 _auri ng pagbasa
653 _akaranasan ng mga mag-aaral
653 _aEdukasyon
942 _2ddc
_cTESIS
999 _xTesis
_c2977
_d2977