000 | 01910nam a2200169Ia 4500 | ||
---|---|---|---|
008 | 221211s9999 xx 000 0 und d | ||
100 | _aGabriel-Kimuell, Nancy | ||
245 | 0 |
_aKasaysayang Pasalita: Ang Kulturang Filipino at Karanasan ng mga Filipinong Mananaliksik sa Larangang Pasalita _cGabriel-Kimuell, Nancy |
|
502 |
_cPamantasang De La Sale _d2000 |
||
520 | _aDokumentasyon ito ng karanasan ng mga Filipinong mananaliksik na nagsagawa o gumamit ng metodo ng kasaysayang pasalita (KP). Ibinabahagi ng pag-aaral ang mga naranasang kultura ng mga Filipino sa proseso ng pakikisalamuha at pakikipanayaman ng mga Filipinong oral historian kasabay ng pagsesentro ng mga suliranin at kahirapan ng mga Filipinong historyador sa metodong ito. Pinalawak ng pag-aaral ang mga literatura tungkol sa metodolohiya ng kasaysayang pasalita na nakabatay mismo sa karanasan ng mga Filipino. Ang mga natuklasang kultura sa pag-aaral ay napakahalaga sa mga Filipino tulad ng tiwala at pakikipagkapuwa at kailangan ng pamamaraan ng pagkapa, pagmamasid at pakiramdam, pagkuha pagkamatapat, ang malayang pagpapahayag ng saloobin at ang pakikipalagayang-loob. Natalakay din ang maselang paksa tungkol sa sex at kasarian. Ipinahayag dingkailangang marunong ng wikang Filipino at/o Tagalog upang magkaroon ng kababayan/kadua/kabalen/kabanua sa panayam; may gawing nagpaparinig, nangangantiyaw, nagbibigay-konsuwelo, at pasalubong. Dagdag pa ang mga ginawa na may nagpapakain, nagpapainom ng malamig, nagpapabaon, at nagpapahatid ang mga maykaya. Nabanggit na may kulturang “amuyong,” usisero, at kuyog ang mga maralita. Masasabi ring mapagbigay at mapagtiwala ng mga Filipino nang hindi nakasalalay sa pirma o nakasulat na dokumento. | ||
521 | _aAraling Kultural | ||
653 | _aAraling Kultural | ||
653 | _akasaysayang pasalita | ||
653 | _alarangang pasalita | ||
653 | _akultura | ||
942 |
_2ddc _cTESIS |
||
999 |
_xTesis _c2942 _d2942 |