Antas ng Pagpapatupad ng Patakaran sa Wika ng Pamantasan ng Pilipinas: Pagsusuri sa Karanasan ng Diliman Abad, Melania L.
Material type:
Unibersidad ng Pilipinas, Lungsod Quezon, 1999
Tinukoy sa pag-aaral ang naging tagumpay ng pagpapatupad ng patakaran sa wika sa Pamantasan ng Pilipinas mulang 1989-1999. Inalam ang institusyonal na kalagayan ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) partikular na ang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Sangfil, at ang Sentro ng Wikang Filipino (SWF) sa paggamit ng wikang Filipino ayon sa layunin ni dating Pangulong Abueva. Ginamit na modelo para sa ebalwasyon ang CIPP o Modelong Konteksto-Input-Proseso (konseptong papel sa SWF)-Produkto (kalagayang pangwika sa UP). Nagsagawa rin ng random sarbey sa pamamagitan ng talatanungan na may 162 respondenteng kinabibilangan ng mga kawaning administratibo at akademiko gayundin ang 653 mag-aaral. Natuklasan sa pag-aaral na hindi naging matagumpay ang UP sa pagpapalakas ng Filipino bilang wikang panturo, wika ng opisyal na komunikasyon, at wika ng saliksik. Itinurong dahilan nito ang pagkakaroon ng ibang interpretasyon sa tungkulin ng SWF na nakaaapekto sa pag-iral ng DFPP gayundin ang magkakaibang saloobin ng mga iskolar sa istatus ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo. Idinagdag pang mabagal ang pag-usad ng Filipino bilang asignatura habang hindi pa naaabot kahit sa antas ng impormasyon ang pagkilala sa Filipino bilang wika ng komunikasyon sa hanay ng mga kawaning akademiko at administratibo.
Lingguwistika
There are no comments on this title.