Suyam tu Agusan Manobo: Tradisyon at Inobasyon sa Sining ng Pagbuburda ng Damit Amalla, Carlito C.
Material type:
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon 2012
Pangkalahatang layunin ng saliksik na mailarawan ang mayamang kultura ng pagsusuyam o pagbuburda at kaakibat na espiritwalidad, estetika, o sining ng mga Agusan Manobo. Inilarawan ang kaangkinang kultural ng nabanggit na pangkat etniko sa naganap o nagaganap na pagbabago o ebolusyon sa disenyo ng makukulay na burda sa kasuotang Manobo. Pinatunayan sa pag-aaral ang representasyon o taglay na kahulugang panlipunan ng bawat disenyo. Ipinakita ang estruktura ng lipunang Manobo na masasalamin sa bawat uri ng disenyo o batay sa kung sino-sino ang maaaring gumamit ng mga ito. At ang pag-unawa sa komplikadong proseso ng pagbuburda at ang metikulosong paghahanda ng mga kakailanganing materyales. Natatangi ang pag-aaral dahil sa matalisik na pagsusuri sa pag-uswag ng tradisyong suyam o pagbuburda bilang paraan ng pamumuhay at pakikipamuhay. Itinanghal dito ang inspirasyon ng mayamang kultura ng pagdidisenyo, pagkukulay, paggagayak ng palamuti sa katawan, at mga ritwal sa pagbuburda.
Araling Kultural
There are no comments on this title.