Pagsibol, Pag-anib, Paghubog, Pagkilos:Penomenolohikal na Pag-Aaral sa Karanasan ng mga Kabataang Mandudula sa Teatro ng Paaralan Duria, Jose Lester C.
Material type:
Unibersidad ng Adamson Ermita, Maynila, Agosto 2020) Agosto 2020
Nakatuon ang pananaliksik ni Duria sa pagtuklas at paglalarawan ng karanasan ng mga kabataang mandudula sa teatro ng paaralan. Ginamit ang dulog na kuwalitatibong kalikasan ng pananaliksik. Ang mga kalahok ay ang labintatlong (13) kabataang mandudula na aktibong mag-aaral sa kolehiyo ng Philippine Normal University at Manila Tytana Colleges. Hinalaw ang karanasan ng mga kabataang mandudula batay sa tatlong kaantasang nagsisimula, gitna, at dalubhasa. Sinuri at pinangkat ang mga nakalap na datos sa mga nabuong paksa gamit ang Colaizzi’s method. Lumitaw sa pag-aaral ni Duria ang apat (4) na pangkalahatang paksa, ito ay ang pagsibol, pag-anib, paghubog at pagkilos. Kinakatawan ng mga nasabing paksa ang naging yugto ng pagbabago at pag-unlad kaugnay ng karanasan ng mga kabataang mandudula sa loob ng teatro ng paaralan. Natuklasan rin sa pananaliksik na bagama't magkakaiba ang kaantasan ng kasanayan ng mga kabataang mandudula (nagsisimula; gitna; dalubhasa), iisang landas ang pinagdaanang karanasan sa loob ng teatro ng paaralan. Napatunayan ni Duria na ang teatro ay mabisang pedagohiya ng pagmumulat na nagpapanday ng wastong kamalayan at kasanayan tungo sa pagbabago ng mga gawi, nakasanayan, at pagpapahalaga ng mga indibidwal. Samakatuwid, ang teatro ng paaralan ay isang epektibong instrumento ng pagpapalaya. Malaking tulong ang naging resulta ng pag-aaral lalo na sa mga guro para sa higit na pagkatuto ng kanilang mga mag-aaral lalo na sa konsepto ng direktang danas upang ganap na maipaunawa sa mga tinuturuan ang isang bagay na itinuturo. Maaari ring magamit bilang karagdagang source sa mga bagong asignaturang itinuturo sa senior high school at kolehiyo gaya ng Philippine Contemporary Art at Art Appreciation. Inirekomenda ni Durian na dapat paigtingin ang pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa National Commission for Culture and the Arts (NCAA) at ang Philippine Cultural Education Program (PCEP). Maaaring isumite ang mga proyekto, palihan, seminars o webinars na makatutulong sa higit pang kasanayan ng mga kabataang artista at ang kahalagahan ng sining at para sa pambansang kamalayan sa paaralan.
Panitikan
There are no comments on this title.