Language Anxiety in Oral Communication of San Beda College Alabang Staff and Employees Arriola, Jean A.
Material type:
Paaralang Gradwado, San Beda-Alabang, Maynila 1997
Nakatuon ang pag-aaral sa mga salik na nakaaapekto sa pagkakaroon ng alinlangan sa paggamit ng wika (language anxiety) na maaaring umusbong o mamayani sa pook-paggawa (working place) maging sa loob ng silid-aralan sa mas pinalawak na konteksto, at paghahain ng mga estratehiya kung paano ito malulunasan. Ginamitan ito ng dulog na qualitative semi-structured interview format at talatanungan upang masuri ang pag-iral ng ganitong language phenomenon na nilahukan ng 25 kawani. Natuklasang nagmumula ang language anxiety sa persepsiyon ng kawani sa kaniyang sarili, mga natamong pagkilala, isyu sa pagkatuto ng wika, kulturang nakabuhol sa target na wika, uri ng kausap, at tákot sa mga kritisismo.
Lingguwistika
There are no comments on this title.