Pambansang Pananagisag sa Rizal Park, 1913-2005 Manalo, Lilimay R.
Material type:
Unibersidad ng Pilipinas 2011
Napatunayan sa saliksik ang mahalagang papel ng Rizal Park sa kasaysayan, para sa pambansang hangaring makabuo ng identidad na makabansa. Inisa-isa ang mga gawaing repleksiyon ng mga pagpupunyagi ng pamahalaan na mailahad, maipakilala, at maipalaganap ang pambansang kaakuhan salig sa konsepto ng pagkakaroon ng pagkakaisa na nagmumula kay Jose Rizal. Nailarawan ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng konstruksiyon ng Rizal Park. Gayundin ang mga pagbabago sa liwasan sa paglipas ng panahon bilang salamin ng mga pagbabagong naganap sa bansa. Sa kongklusyon, ipinakita rito ang mga pampublikong sining gaya ng pagtatanghal na idinaraos sa parke na nagbibigay-daan sa ugnayan ng pampublikong sining at pampublikong espasyo sa pagtukoy ng pambansang kaakuhan, mga pagbabago sa liwasan gaya ng mga bagong tayóng estruktura o pasilidad, at pagtatalaga ng iba’t ibang lugar para sa mga gawaing pangmadla na nagbigay daan sa pagiging bukás nito sa publiko, atbp.
Araling Kultural
There are no comments on this title.