Ang Nagbabanyuhay na Hulagway ng Mutya ng Pasig bílang Lunduyan ng Kahulugan, Kasaysayan, at Kapangyarihan Majerano, Danim R.
Material type:
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon 2012
Pangkalahatang layunin ng saliksik na tuklasin ang halaga ng lokal na kasaysayang pansining upang mabigyang pansin ang kasaysayan ng isang pook at ang relasyon sa pagpapakahulugan at kapangyarihan. Inilarawan ang katangi-tanging Mutya ng Pasig bílang-karunungang bayan tungong sining-biswal. Masusing pinag-aralan ang kasaysayang lokal para sa ganap na ugnayan ng mga tao sa isang lugar at ang koneksiyon nito sa mga karatig pook. Kabílang sa mga inilahad ang mga aspektong pampolitika, ideolohiko, at kaugnayan ng sining sa pamamahala. Samakatwid, binigyang pansin din ang bahagi o partisipasyon ng kultura at sining sa galaw o daloy ng lipunan. Ipinaunawa sa saliksik ang kahalagahanng relatibo o ang pagbabago sa paglipas ng panahon ng karunungang-bayan. Isinaalang-alang ang mga naunang pag-aaral hinggil sa Mutya ng Pasig upang makabuo ng kalahatang larawang magbibigay-anyo o katangian sa daloy ng kamalayan. Nailahad ang kongkreto at mas malalim na interpretasyon sa mga paksa at isyu na may kinalaman sa pambansang lipunan.
Araling Kultural
There are no comments on this title.