The Subanen-Based Dance Movement Patterns at Pas’ungko Festival: Input for Ethnic/Traditional Dance for K-12 Physical Education Alcala, Maricel U.

By: Material type: TextTextSubject(s): Dissertation note: Pamantasang Normal ng Pilipinas, Daang Taft, Maynila 2015 Summary: Layunin ng saliksik na mailarawan ang kaligirang kultural, hakbang at indayog ng katawan, galaw ng kamay at braso, saliw ng musika, at iba pang balangkas ng ritmo ng mga Subanën na inilarawan sa Pas’ungko Festival. Isa itong case study, espisipikong inilalarawan kung paano ginagamit ng choreographer ang mga katangian sa pagdebelop ng isang sayáw na ethnic-based na batayan ng mga mag-aaral sa ika-9 na baitang sa kanilang asignaturang Edukasyong Pangangatawan. Natuklasang makikita sa sayáw ng mga Subanën ang limang pangunahing galaw ukol sa pagsamba/pagpupugay kay Magbebeya (ang kanilang Manlilikhâ), pagtatanim at pag-aani, panunuyo o panliligaw, pagbibigay-babala, at pakikidigma. Binigyang anotasyon ang nabanggit na mga galaw ng braso, paa, at kamay maging sa balangkas ng ritmong musikal. Isang panukalang instructional plan sa pagtuturo ng ethnic-based na sayáw ang nadebelop na sumasalamin sa pamumuhay at paniniwala na kompleto ang nilalaman, layunin, at iba pang mungkahing gawain para sa mga guro. Inaasahang magbibigay-daan ang pag-aaral tungo sa isang makasining, may estetika, at makakulturang edukasyon.
Item type: Tesis
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
No physical items for this record

Pamantasang Normal ng Pilipinas, Daang Taft, Maynila 2015

Layunin ng saliksik na mailarawan ang kaligirang kultural, hakbang at indayog ng katawan, galaw ng kamay at braso, saliw ng musika, at iba pang balangkas ng ritmo ng mga Subanën na inilarawan sa Pas’ungko Festival. Isa itong case study, espisipikong inilalarawan kung paano ginagamit ng choreographer ang mga katangian sa pagdebelop ng isang sayáw na ethnic-based na batayan ng mga mag-aaral sa ika-9 na baitang sa kanilang asignaturang Edukasyong Pangangatawan. Natuklasang makikita sa sayáw ng mga Subanën ang limang pangunahing galaw ukol sa pagsamba/pagpupugay kay Magbebeya (ang kanilang Manlilikhâ), pagtatanim at pag-aani, panunuyo o panliligaw, pagbibigay-babala, at pakikidigma. Binigyang anotasyon ang nabanggit na mga galaw ng braso, paa, at kamay maging sa balangkas ng ritmong musikal. Isang panukalang instructional plan sa pagtuturo ng ethnic-based na sayáw ang nadebelop na sumasalamin sa pamumuhay at paniniwala na kompleto ang nilalaman, layunin, at iba pang mungkahing gawain para sa mga guro. Inaasahang magbibigay-daan ang pag-aaral tungo sa isang makasining, may estetika, at makakulturang edukasyon.

Araling Kultural

There are no comments on this title.

to post a comment.
Share