Mga Panukala Tungo sa Pagbubuo ng Panimulang Teorya ng Pagmumura Bilang Pagpapahayag ng Galit sa Konteksto ng Kulturang Filipino Relova, Mark L.
Material type:
Paaralang Gradwado, UP Diliman Kolehiyo ng Arte at Literatura 2003
Layunin ng saliksik na maipaliwanag ang mga batayang panukala sa pagbuo ng teorya at mabigyang kahulugan ang emosyon ng galit at ang pagmumura bilang pagpapahayag ng damdaming nakaangkla sa kulturang Filipino. Ginamit ang paraan ng pagkalap ng saliksik sa Lungsod Pasig at pinagtuunan ang pagmamasid sa mga tunay na pangyayari sa araw-araw (komunikasyong pasalita) at hindi isinama ang mga insidenteng natunghayan sa midya. Isinaalang-alang sa pag-aaral ang mga teoryang speech act ni Austin at Searl, speech code theory ni Gerry Philipsen, communicative theory of emotion, at social learning theory ni Albert Bandura. Nabigyang-linaw sa pag-aaral ang konsepto ng galit bilang emosyong naiimpluwensiyahan ng dikta ng puso at isipan. Iba’t iba ang lebel ng galit na nararamdaman ng isang tao depende sa lalim at kahalagahan ng mga bagay na nabibigyang panganib. Natuklasang ang galit ay (1) nagdudulot ng pagbabagong pisyolohikal at sikolohikal; (2) ang pagmumura ay nakatuon sa pagbabawas ng sobrang enerhiya sa katawan; (3) ang pinagkasunduang konotasyon ng mura ang mas binibigyang-pansin at hindi ang etimolohikal na depinisyon nito; (4) mas malamang na nagmumura ang tao ayon sa antas ng magkakapantay na posisyon sa isang organisasyon; (5) mas malapit ang relasyon, mas sumisidhi ang mga murang nasasabi; (6) sumisidhi rin ang pagmumura ng tao kung ang pinapatawan ng mura ay walang halaga sa nagmumura; at (7) kalimitang nagmumura pabalik ang isang tao kung handa siyang isugal ang mga bagay na pinahahalagahan niya.
Araling Kultural
There are no comments on this title.