Ang Pagkatransitibo at Ikinaergatibo ng mga Wikang Pilipino: Isang Pagsusuri sa Sistemang Bose Nolasco, Ricardo Ma. Duran

By: Material type: TextTextSubject(s): Dissertation note: Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon 2003 Summary: Siniyasat at tinalakay sa pag-aaral ang pangunahing katangiang taglay ng mga wika sa Pilipinas na ikinaiba ng mga ito sa iba pang wika ng daigdig. Inilahad niya na ang pagkatransitibo (isang sentral na konsepto sa organisasyon ng mga klosa sa mga wika sa Pilipinas) at intransitibo ng isang konstruksiyon gamit ang pamantayang mula kay Hopper at Thompson (1980). Ginamit ang letrang S para sa nag-iisang argumento ng isang intransitibong konstruksiyon gayundin ang Aat O bilang simbolo para sa dalawang argumento ng isang transitibong konstruksiyon. Natukoy ni Nolasco na ang pangunahing tungkulin ng panlaping bose ay ang magtakda kung ang isang konstruksiyon ay transitibo (pagkakaroon ng isang konstruksiyon ng semantikong pansimuno o ahente at semantikong tagatanggap o pasyente) o intransitibo (nagtataglay ng isang argumento at walang tagatanggap ng aksiyon). Ipinakita ang kakulangan o kahinaan ng definiteness hypothesis dahil madali itong maglaho sa harap ng ibang datos sa parehong wika at iba pang mga wika sa bansa. Inilahad din ni Nolasco bilang buod na ang klosa ay transitibo kung may dalawaat distintibong A at Ona argumento. Ang aksiyon ay tiyak, agaran, patapos, at paiba. Ang paraan ng pagtupad ng aksiyon ng A ay sadya at masikap. At ang aksiyon ay tuon sa nakatukoy-sa-isa at ganap na apektadong O. Ang klosa ay intransitibo kapag may iisang distintibong S na kusa at di-masikap na nagpapatupad ng panlahatan, matagalan, di-tapos at pansariling aksiyon na hindi nakatuon sa isang O at wala ring ganap na apektadong O. Gayundin, ang ergatibo ay tumutukoy sa ng-prase samantalang ang obsolutibo at tumutukoy sa ang-prase. Kaya, malinaw na ang mga padron ng mga transitibo at intransitibong konstruksiyon ay ergatibo-absolutibo, at hindi nominatibo-akusatibo.
Item type: Disertasyon
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
No physical items for this record

Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon 2003

Siniyasat at tinalakay sa pag-aaral ang pangunahing katangiang taglay ng mga wika sa Pilipinas na ikinaiba ng mga ito sa iba pang wika ng daigdig. Inilahad niya na ang pagkatransitibo (isang sentral na konsepto sa organisasyon ng mga klosa sa mga wika sa Pilipinas) at intransitibo ng isang konstruksiyon gamit ang pamantayang mula kay Hopper at Thompson (1980). Ginamit ang letrang S para sa nag-iisang argumento ng isang intransitibong konstruksiyon gayundin ang Aat O bilang simbolo para sa dalawang argumento ng isang transitibong konstruksiyon. Natukoy ni Nolasco na ang pangunahing tungkulin ng panlaping bose ay ang magtakda kung ang isang konstruksiyon ay transitibo (pagkakaroon ng isang konstruksiyon ng semantikong pansimuno o ahente at semantikong tagatanggap o pasyente) o intransitibo (nagtataglay ng isang argumento at walang tagatanggap ng aksiyon). Ipinakita ang kakulangan o kahinaan ng definiteness hypothesis dahil madali itong maglaho sa harap ng ibang datos sa parehong wika at iba pang mga wika sa bansa. Inilahad din ni Nolasco bilang buod na ang klosa ay transitibo kung may dalawaat distintibong A at Ona argumento. Ang aksiyon ay tiyak, agaran, patapos, at paiba. Ang paraan ng pagtupad ng aksiyon ng A ay sadya at masikap. At ang aksiyon ay tuon sa nakatukoy-sa-isa at ganap na apektadong O. Ang klosa ay intransitibo kapag may iisang distintibong S na kusa at di-masikap na nagpapatupad ng panlahatan, matagalan, di-tapos at pansariling aksiyon na hindi nakatuon sa isang O at wala ring ganap na apektadong O. Gayundin, ang ergatibo ay tumutukoy sa ng-prase samantalang ang obsolutibo at tumutukoy sa ang-prase. Kaya, malinaw na ang mga padron ng mga transitibo at intransitibong konstruksiyon ay ergatibo-absolutibo, at hindi nominatibo-akusatibo.

Lingguwistika

There are no comments on this title.

to post a comment.
Share