Text Messaging Sa Pagkatuto ng Wika sa mga Mag-Aaral” Trance, Ronald Orbong

By: Material type: TextTextSubject(s): Dissertation note: Bulacan State University Hunyo 2013 Summary: Isinagawa ang pag-aaral upang alamin ang epekto ng text messaging sa pagkatuto ng wika ng mga mag-aaral sa Central Luzon College of Science and Technology (Celtech College), Lungsod Olongapo. Ang deskriptibong pamamaraan, pakikipagpanayam at paggamit ng talatanungan ang ginamit sa 196 na respondente ng Celtech College, Lungsod Olongapo, na mula sa BS Marine Engineering at BS Marine Transportation na mayroong asignaturang Filipino sa ikalawang semester. Batay sa profayl ang mga mag-aaral, higit na nakararami ang bilang ng mga lalaking respondente kumpara sa babae. Halos magkasindami naman ang bilang ng mga respondente mula sa dalawang kurso at karamihan ng mag-aaral ay nasa edad 17. Tinugunan sa talatanungan ang mga naranasang problema sa text messaging ng mga kabataan at ang mga ito ay ang pagbuo ng pangungusap; pakikipagtalastasan; at pagbabasa. Ipinahayag din ang epekto ng modernong teknolohiyang pangkomunikasyon sa pamilya, mga kabataan, lipunan at pag-aaral. Natukoy sa pag-aaral ang mga problema tungkol sa text messaging sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Apat sa 35 repondente ang nagsasaad ng magandang dulot ng pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng cell phone. Sa apat na pahayag na ito, dalawa ang nakakuha ng posibleng tugon at dalawang pahayag ang posibleng tugon mula sa mga mag-aaral na naniniwala sila sa positibong epekto ng text messaging. Ang nalalabing 31 pahayag naman ay patungkol sa mga problemang maaring maidulot ng texting sa iba’t ibang aspekto. Siyam na pahayag ang nakakuha ng posibleng tugon samantalang sampu naman ang nakakuha ng posibleng tugon na nangangahulugang malaking bilang ng mga respondents ang naniwalang malaki ang probabilidad na nagaganap ang mga suliraning hatid ng text messaging. Bilang kongklusyon ng pag-aaral na ito, ang mga texters na kabataan ang karamihan ay dumanas ng positibo at negatibong epekto ng text messaging.
Item type: For Identification List(s) this item appears in: Itemtype - for identification
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
No physical items for this record

Bulacan State University Hunyo 2013

Isinagawa ang pag-aaral upang alamin ang epekto ng text messaging sa pagkatuto ng wika ng mga mag-aaral sa Central Luzon College of Science and Technology (Celtech College), Lungsod Olongapo. Ang deskriptibong pamamaraan, pakikipagpanayam at paggamit ng talatanungan ang ginamit sa 196 na respondente ng Celtech College, Lungsod Olongapo, na mula sa BS Marine Engineering at BS Marine Transportation na mayroong asignaturang Filipino sa ikalawang semester. Batay sa profayl ang mga mag-aaral, higit na nakararami ang bilang ng mga lalaking respondente kumpara sa babae. Halos magkasindami naman ang bilang ng mga respondente mula sa dalawang kurso at karamihan ng mag-aaral ay nasa edad 17. Tinugunan sa talatanungan ang mga naranasang problema sa text messaging ng mga kabataan at ang mga ito ay ang pagbuo ng pangungusap; pakikipagtalastasan; at pagbabasa. Ipinahayag din ang epekto ng modernong teknolohiyang pangkomunikasyon sa pamilya, mga kabataan, lipunan at pag-aaral. Natukoy sa pag-aaral ang mga problema tungkol sa text messaging sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Apat sa 35 repondente ang nagsasaad ng magandang dulot ng pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng cell phone. Sa apat na pahayag na ito, dalawa ang nakakuha ng posibleng tugon at dalawang pahayag ang posibleng tugon mula sa mga mag-aaral na naniniwala sila sa positibong epekto ng text messaging. Ang nalalabing 31 pahayag naman ay patungkol sa mga problemang maaring maidulot ng texting sa iba’t ibang aspekto. Siyam na pahayag ang nakakuha ng posibleng tugon samantalang sampu naman ang nakakuha ng posibleng tugon na nangangahulugang malaking bilang ng mga respondents ang naniwalang malaki ang probabilidad na nagaganap ang mga suliraning hatid ng text messaging. Bilang kongklusyon ng pag-aaral na ito, ang mga texters na kabataan ang karamihan ay dumanas ng positibo at negatibong epekto ng text messaging.

Edukasyon

There are no comments on this title.

to post a comment.
Share