Awtput ng mga Tesis at Disertasyon ng Pampamahalaang Unibersidad at Kolehiyo ng Rehiyong Bikol Tungo sa Pagbuo ng Panukalang Gawaing Pang-Ekstensiyon sa Filipino Amante Jr., Jaime T.
Material type:
Catanduanes State University, Virac, Catanduanes 2020
Layunin ng pag-aaral na masuri ang naisagawang awtput ng mga tesis at disertasyon sa Filipino ng mga Pampamahalaang Unibersidad at Kolehiyo ng Rehiyong Bikol. Tinipon ang lahat ng ng mga tesis at disertasyon sa tatlong pamantasan, ito ay ang Pamantasan ng Bikol, Pampamahalaang Unibersidad ng Catanduanes at Pampamahalaang Unibersidad ng Sorsogon. Nakakalap ng 139 mga saliksik sa Filipino mula taong 2010 hanggang 2019. Ang ginawang pagsusuri sa mga saliksik ay batay sa mga layunin ng pag-aaral at mga paksa ng saliksik ayon sa kategoryang pang-edukasyon, pangwika/panlingguwistika, at pangkultura. Deskriptib na uri ng pananaliksik ang ginamit para sa paglalarawan ng awtput ng mga saliksik sa Filipino. Natuklasan ang panukalang gawain ang pinakamaraming nalikhang awtput sa mga naisagawang pananaliksik sa nagdaang sampung taon. Ang ginamit ng mga nasuring awtput ay ang sumusunod: mabisang pakikipagtalastasan; pagpapayaman ng wikang Filipino; pagpapakilala ng turismo ng lugar; pandagdag tulong-materyal sa pagtuturo; impormasyong pangkomunidad; dagdag-kaalaman tungkol sa Mother Tongue Based-Multi-Lingual Education (MTB-MLE); pagbuo ng polisiyang pangwika; pagbabalik-tanaw sa kahalagahan ng panitikan at kultura; pagpapaunlad sa proseso ng pagtuturo; pagpapaunlad ng gawaing pananaliksik; pagpapaunlad ng kasanayan ng mag-aaral; kamalayan sa konseptong gender and development; kasanayan sa paggamit ng teknolohiya; batayan sa pagbuo ng kurikulum at; mapataas ang pampropesyonal na kakayahan. Natuklasan din na mas pinagtuunan ng pansin ng mga mag-aaral sa masterado at doktorado sa nakalipas na sampung taon ang saliksik pang-edukasyon kaysa sa saliksik pangkultura at pangwika. Pinakagamitin ang kuwantitatibo kaysa sa kuwalitatibo. Mas angkop ang mungkahing adyenda ng pananaliksik sa Filipino batay sa layunin ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pagsasagawa ng pananaliksik. Iminumungkahi o kailangang ipatupad ang mga nalikhang awtput at bumuo ang mga mananaliksik ng isang panukalang gawaing pang-ekstensyon na may pamagat na Pandibisyong Seminar-Palihan sa Pagbuo ng mga Kagamitang Instruksiyunal sa Filipino. Layunin nitong makatulong sa mga guro na makabuo rin ng kani-kanilang kagamitang panturo kagaya ng banghay-aralin, aklat, modyul, Strategic Intervention Materials (SIM), at iba pa.
Edukasyon
There are no comments on this title.