Kabatiran at Katanggapan sa mga Piling Guro ng Filipino sa Sekundarya ng Binagong Ortograpiya ng Wikang Filipino 2013 Austria, Ma. Theresa K.
Material type:
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Paaralang Gradwado 2014
Layunin ng pag-aaral na matukoy ang kabatiran at pagtanggap sa Binagong Ortograpiya ng Wikang Filipino 2013 ng mga piling guro sa Filipino sa mga paaralang publiko sa antas sekundarya ng Sangay ng Lungsod Cavite, Taong-Panuruan 2013-2014. Tinalakay ang propayl ng mga guro, antas ng kabatiran ng mga ito sa binagong ortograpiya ng Wikang Filipino 2013, pagtanggap, suliraning nakaharap, mungkahi at nakaaapekto ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Nakabatay ito sa paraang palarawan (descriptive method) na isinagawa sa pamamagitan ng pagbisita sa mga websayt, pagtungo sa iba’t ibang aklatan, at pamamahagi ng sarbey questionnaire. Natuklasan sa pag-aaral na “walang awtoridad” o “hilaw” pa ang karanasan sa pagtuturo at hindi sapat ang kaligirang pang-edukasyon ng mga gurong respondente dahil karamihan sa kanila ay nagtuturo sa sekundarya. Hindi rin sapat ang kabatiran ng mga ito sa mga tuntunin ng Binagong Ortograpiya ng Wikang Filipino 2013. Iminungkahi sa pag-aaral ni Austria ang pagdalo ng mga guro sa pagsasanay at/o seminar at pagsasapanahon ng kanilang mga kaalaman.
Edukasyon
There are no comments on this title.