Kalibúgan: Atras-abante sa Sayaw ng Ibajay at Tradisyong Pampanitikan ng Panay Barrios, John E.

By: Material type: TextTextSubject(s): Dissertation note: Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon Hunyo 2014 Summary: Saklaw ng pag-aaral ni Barrios ang isang halimbawang modelo hinggil sa paggamit ng intertextual at interdisiplinaryong pagsusuri ng teksto ng kasaysayan at panitikan ng bansa. Isa itong ambag sa pagbuo ng isang metodolohiya sa pagsusuri at pagbuo ng teoryang pampanitikan batay sa lokal at katutubong datos. Inilahad ni Barrios na isa ang “atras-abante” sa mga dominanteng galaw na makikita sa sayaw, isang maikling dula na nagpapakita ng paglalaban ng Moro at Kristiyano, na ipinapalabas sa bayan ng Ibajay, lalawigan ng Aklan tuwing ikaapat na linggo ng Enero, sabay sa pista ng Sto. Niño, na higit na kilala na “Ati-ati sa Ibajay.” Ang atras-abante bilang pampanitikang talinghaga na taga-akda ng galaw mula sa lumang katutubo at ang galaw na ito ay napapalitaw ang espasyong gitna na tatawaging “owa-iya-owa-igto” (wala-dito-wala-roon), ang lugar ng “pakigsugilanon” sa pagitan ng katutubo at banyagang kultura. Ang pakigsugilanon ng dalawang magkaibang lahi ang umaakda ng kaakuhan na nagsusuri ng katangiang may pagkakahalo-halo, makapagpapalito, at mapagtatakhan—ang konsepto ng kalibúgan. Gamit ang kalibúgan bilang teorya, binasa at sinubukang ilapat ang teorya ng apat na texto mula sa tradisyong pampanitikan ng Panay—ang Maragtas, Hinilawod, “Si Montor”, at “Ang Pagbitay kay Montor Monteclaro”—at napalitaw ang pagiging textong kalibúgan ng mga ito. Ginamit ni Barrios ang salitang “libúg,” na ang ibig sabihin ay “pagkahalo,” “pagtaka,” at “pagkalito.” Karaniwang ginagamit ito para sa mga pagtataka o pagdududa sa isang bagay o pangyayari. Ang mungkahi at paghamon ni Barrios ay ang pagsubok na mailapat ang teorya ng Kalibúgan sa iba pang akdang pampanitikan hindi lang sa Panay, kundi sa mga akdang mula sa ibang bahagi ng bansa, at maging sa tradisyonal at kontemporaneong panitikan. Ginamit ni Barrios ang salitang “libúg,” na ang ibig sabihin ay “pagkahalo,” “pagtaka,” at “pagkalito.” Karaniwang ginagamit ito para sa mga pagtataka o pagdududa sa isang bagay o pangyayari.
Item type: Disertasyon
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
No physical items for this record

Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon Hunyo 2014

Saklaw ng pag-aaral ni Barrios ang isang halimbawang modelo hinggil sa paggamit ng intertextual at interdisiplinaryong pagsusuri ng teksto ng kasaysayan at panitikan ng bansa. Isa itong ambag sa pagbuo ng isang metodolohiya sa pagsusuri at pagbuo ng teoryang pampanitikan batay sa lokal at katutubong datos. Inilahad ni Barrios na isa ang “atras-abante” sa mga dominanteng galaw na makikita sa sayaw, isang maikling dula na nagpapakita ng paglalaban ng Moro at Kristiyano, na ipinapalabas sa bayan ng Ibajay, lalawigan ng Aklan tuwing ikaapat na linggo ng Enero, sabay sa pista ng Sto. Niño, na higit na kilala na “Ati-ati sa Ibajay.” Ang atras-abante bilang pampanitikang talinghaga na taga-akda ng galaw mula sa lumang katutubo at ang galaw na ito ay napapalitaw ang espasyong gitna na tatawaging “owa-iya-owa-igto” (wala-dito-wala-roon), ang lugar ng “pakigsugilanon” sa pagitan ng katutubo at banyagang kultura. Ang pakigsugilanon ng dalawang magkaibang lahi ang umaakda ng kaakuhan na nagsusuri ng katangiang may pagkakahalo-halo, makapagpapalito, at mapagtatakhan—ang konsepto ng kalibúgan. Gamit ang kalibúgan bilang teorya, binasa at sinubukang ilapat ang teorya ng apat na texto mula sa tradisyong pampanitikan ng Panay—ang Maragtas, Hinilawod, “Si Montor”, at “Ang Pagbitay kay Montor Monteclaro”—at napalitaw ang pagiging textong kalibúgan ng mga ito. Ginamit ni Barrios ang salitang “libúg,” na ang ibig sabihin ay “pagkahalo,” “pagtaka,” at “pagkalito.” Karaniwang ginagamit ito para sa mga pagtataka o pagdududa sa isang bagay o pangyayari. Ang mungkahi at paghamon ni Barrios ay ang pagsubok na mailapat ang teorya ng Kalibúgan sa iba pang akdang pampanitikan hindi lang sa Panay, kundi sa mga akdang mula sa ibang bahagi ng bansa, at maging sa tradisyonal at kontemporaneong panitikan. Ginamit ni Barrios ang salitang “libúg,” na ang ibig sabihin ay “pagkahalo,” “pagtaka,” at “pagkalito.” Karaniwang ginagamit ito para sa mga pagtataka o pagdududa sa isang bagay o pangyayari.

Panitikan

There are no comments on this title.

to post a comment.
Share