Pananaw ng mga Piling Dalubguro sa Filipino sa Estratehikong Papel ng Wikang Filipino Bilang Midyum ng Komunikasyon sa Pagkamit ng Millennium Development Goal 2015 Deinla, Glenda C.
Material type:
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Paaralang Gradwado 2014
Layunin ng pag-aaral na (1) malaman ang pananaw ng mga dalubguro sa tatlong pamantasan sa Maynila tulad ng PUP, PLMar, at EARIST sa estratehikong papel ng wikang Filipino bilang midyum ng komunikasyon sa pagkamit ng Millenium Development Goal (MDG), gayundin ang kabisaan nito sa bawat probisyong nilalaman ng MDGs 1, 2, 6 at 7; (2) matukoy kung ano-ano ang mga hakbanging isinasagawa ng pamahalaan upang makamit ang layunin na kinakasangkapan ng wikang Filipino; at (3) kung paano pa mapalalakas ang estratehikong papel ng wikang Filipino sa pagkamit ng mga MDGs.Isa itong deskriptibo at kuwalitatibong pag-aaral. Nalamang lubhang nakaganap sa estratehikong papel ng wikang Filipino bilang midyum ng komunikasyon ay pagkamit ng MDGs 1, 2, 6, at 7. Ang ikalawa ay lubhang mabisang kasangkapan ang Filipino bilang midyum ng komunikasyon sa pagkamit ng MDGs 1, 2, 6 at 7. Pangunahing isinasakatuparan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang sumusunod na aktibidad upang makamit ang MDGs. Isinaalang-alang na mahalagang magkaroon ng estratehikong papel ang WF sa pagkamit ng MDGs upang magkaroon ng positibong resulta ang lahat ng mga layuning inihain ng UN Millenium Development Goal 2015. At kailangang mapalalakas pa ang WF upang matugunan ang estratehikong papel sa pagkamit ng MDGs.
Edukasyon
There are no comments on this title.