KOREANOLISASYON: Hegemonyang Korean Wave sa Pilipinas Gamit ang Konseptong Soft Power ni Joseph Nye Morit, Christine S.
Material type:
Kolehiyo ng Malalayang Sining Pamantasan De La Salle-Maynila Abril 2019
Tungkol ang pag-aaral sa pag-iral ng Koreanolisasyon bilang gahum ng kulturang popular ng Timog-Korea sa Pilipinas. Naging sandigan sa analisis ang pagtukoy sa mga nangibabaw na elemento at/o katangian ng Koreanobela at musikang Koreano bilang mga pangunahing salik sa pagtangkilik ng mga panatikong Filipino sa Korean Wave. Bukod sa Focus Group Discussion na nilahukan ng 28 panatikong babad sa Korean Wave, ginamit ding metodo ang document analysis mula sa datos ukol sa ugnayang-pangkalakalan ng Timog-Korea at Pilipinas. Kaya naman, dahil sa Korean Wave, nakahihigit ang produktong ipinapasok ng Timog-Korea sa Pilipinas kaysa sa inaangkat nito. At ang paggamit ng "soft power" ni Joseph Nye, sinuri ang elemento at/o katangian ng Koreanobela at musikang Koreano maging ang kaugnay na pangyayari ng Korean Wave sa Pilipinas hinggil sa pagdatingan ng produktong Koreano. Ipinakita sa pag-aaral na ang hegemoniyang kaakibat ng kulturang popular ng Timog-Korea. Inirerekomenda ni Morit para sa masusing pag-aaral sa soft power ng Timog-Korea, ang Korean Wave at ang pagsasakatuparan ng Koreanolisasyon, na magkaroon ng saliksik sa Koreanobela/pelikula sa pananaw ng mga manunulat at/o direktor na Filipino. Pag-aralan ang hegemoniyang Korean Wave sa lente ng pagsasalin at gumawa ng pag-aaral sa iba pang umuusbong na kulturang popular na may konseptong kolonisasyon. Hinikayat din ni Morit na magsagawa ng komparatibong pag-aaral ng Kpop at Jpop sa Pilipinas at analisis sa ugnayang-kultural sa kasaysayan ng Timog-Korea at Pilipinas. At para sa mga guro, suriin at gamitin ang mga datos sa pananaliksik na ito bilang materyal sa pagtuturo ng kulturang popular para mapaunlad ang talakayan.
Araling Kultural
There are no comments on this title.