Wika at Pasismo: Paglalapat ng Pamamaraan at Paksa, Pananaliksik sa Araling Wika at Diktadura Campoamor II, Gonzalo A.
Material type:
Paaralang Gradwado, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon 2002
Nilayon ng saliksik na mapaunlad ang malaon nang praktika ng paggamit ng wika sa antas-ideolohikal na kontra-hegemoniya at makabuo ng araling wika na lampas sa pag-aaral ng tunog, salita, at pangungusap. Ginamit dito ang Marxistang pilosopiya sa wika na nakabatay sa diyalektong materyalismo at materyalismong historikal dahil ipinamamalas nito ang isang makabayan, siyentipiko, at makamasang paraan ng pagsusuri ng wika. Nakaangkla ito sa paniniwala na ang diskurso ay nagpapahayag at inoorganisa ng ispesipikong ideolohiya. Isinapraktika ang paniniwalang ito sa pag-aanalisa ng diskurso para tukuyin ang ideolohiya na napapaloob dito. Tinalakay sa pag-aaral na ang diskurso ng batas militar partikular na ang makauring jargon upang maipahatid ang walang kapararakang demagohiya at para matukoy ang pasistang ideolohiyang nasa likuran nito. Sinang-ayunan ng pananaliksik ang paniniwalang hindi maaaring ipaghiwalay ang wika at ideolohiya at sa pamamagitan ng mga ideolohikal na teksto/diskurso ay matutukoy ang mga paraan kung paano ipinapanatili ng kahulugan/signipikasyon ang ugnayan at dominasyon.
Lingguwistika
There are no comments on this title.