Ang mga Lantad at Kubling Istruktura sa Epikong Hudhud ni Aliguyon: Isang Istrukturalistang Pag-aaral Gangora, Ernesto Paul M.
Material type:
Pamantasang Ateneo De Manila, Lungsod Quezon 2010
Layunin ng saliksik ni Gangora na tukuyin at tiyakin ang mga kubling estruktura ng kaisipan sa epikong Hudhud ni Aliguyon upang mapanghawakan ang pinakapayak na mga suliranin at saloobin ng mga pangkat etnikong lumikha sa mga epiko. Sa pamamagitan nito, makapagtatatag ng mga tiyak na ugnayan sa pagitan ng teksto ng epiko at lipunang lumikha nito. Isinagawa ang pag-aaral ni Gangora dahil kailangan munang mabatid ang mga lantad na estrukturang kumokondisyon sa mapanuring perspektiba ng mambabasa sa panlabas na kaanyuan pa lamang ng epiko. Mahalaga ang ganitong lápit sapagkat mayroon pang ibang mahahalagang nilalaman at kabuluhan ang mga epiko na naiwang nakadikit o nakakubli na lamang sa mga lantad na estruktura o di kaya—sa madaliang paglalagom.
Panitikan
There are no comments on this title.