Ethnolinguistic Vitality Assessment of Hanunuo Casanova, Vanessa S.
Material type:
Pamantasang Normal ng Pilipinas–Maynila 2014
Layunin ng saliksik na masuri at matukoy ang wikang mas binibigyang priyoridad ng mga Hanunuo sa aspekto ng dominyo o larang at batay sa gulang ng mga sangkot sa usapan. Nasuri din ang mga saloobin ng mga Hanunuo sa katutubo nilang wika at sa iba pang wika na sinasalita nila at ang dominyong pinaggagamitan, paraan ng pagpili ng wika at kung paano ito nagbabago ayon sa edad ng mga sangkot sa pakikipag-usap. Ginamit sa paraan ng pananaliksik ang sarbey, obserbasyon, at pakikipanayam (triangulation method) sa pagkalap ng mahahalagang datos mula sa 225 Hanunuo Mangyan. Sinuri sa paraang istadistikal ang nakalap na tugon/datos mula sa mga respondente sa pamamagitan ng weighted means and analysis of variance (ANOVA). Natuklasang malawakang nagagamit ang Hanunuo sa pamilya, pagsamba, ritwal, lokal na pamamahala, at pakikipagkalakalan habang katamtaman (moderate) ang paggamit nito sa larang ng edukasyon, hanapbuhay, at midya. May apat na grupo na nagpakita ng preperensiya sa paggamit ng Hanunuo at Tagalog (HT) sa pakikihalubilo o pakikipag-usap. Naging positibo ang saloobin ng mga tagapagsalita ng Hanunuo sa halos lahat ng pangkat batay sa edad pagdating sa paggamit ng kanilang katutubong wika. Naipahayag din sa pag-aaral na nag-iiba ang antas ng paggamit ng wika ng mga Hanunuo depende sa pagkakapangkat sa mga ito ayon sa edad batay sa pagsusuri sa baryasyon ng kaasalan at saloobin. Natalakay din na nasa kategoryang umuunlad (level- developing) ang wikang Hanunuo matapos isailalim sa EGIDS evaluative framework, kayâ, maituturing itong ligtas (safe).
Lingguwistika
There are no comments on this title.