Dulog Pormalistiko at Realismo sa Pagsusuri ng Istilo At Nilalamang Panlipunan Ng Mga Maikling Kuwentong Nagwagi Sa Gawad Pang-Alaalang Carlos Palanca, Sr. sa Panitikan – 2006 Arceta, Josephine

By: Material type: TextTextSubject(s): Dissertation note: Bulacan State University 2009 Summary: Sinuri sa pag-aaral ang estilo ng manunulat ng mga maikling kuwentong nagwagi ng unang gantimpala – Si "Intoy Syokoy ng Kalye Mariano" ni Eros S. Ataliaat ikalawang gantimpala – "Langaw" ni Kristian Sendon Corderosa Gawad Pang-alaalang Carlos Palanca Sr. sa Panitikan sa taong 2006. Tinalakay ang nilalamang panlipunan ng dalawang maikling kuwento na nagsilbing gabay ng mga manunulat sa pagbuo nito upang magwagi sa patimpalak. Natuklasang ang pagdulog na pormalistiko sa dalawang kuwento ay di-tuwirang paglalarawan bilang pagpapakilala ng tauhan, ipinakita ang karakterisasyon sa kilos o galaw. Ginamit ang tunay na pook, ngunit di tinukoy ang tanging pangalan ng lugar para sa tagpuan. Gumamit si Atalia ng limang uri ng simbolo tulad ng arketipo, konkreto, sikolohikal, moral at sosyolohikal ngunit mas binigyang pansin ang sosyolohikal sa paglalantad ng panlipunan at pampulitikang karanasan ng isang lugar. Sa pagsusuri ng tunggalian sa kuwento ay ang tunggaliang tao laban sa tao-mental at pisikal at tao laban sa kanyang sarili. Sa diyalogo ng tatlong uri gaya ng balbal, lalawiganin at kolokyal. Kapanabikan sa kuwento ang paggamit ng imahinasyon sa mambabasa at ang magiging kahihinatnan ng pangunahing tauhan. At sa kasukdulan naman na tumutukoy sa dalawang kuwento ay di nakaabot sa kasukdulan kung pagbabatayan ay antas ng kasidhian at ang isa namang kuwento ay ang patindi nang patinding sa paglalarawan sa pangunahing tauhan.Tinalakay ang kalakasan sa dalawang kuwento sa pagtamo ng mga mithiin ng mga tauhan at ang pagbaba ng mga emosyon. Naging maintriga ang ginawang pagwawakas dahil hindi nailahad nang tuwiran ang naging kalutasan sa suliranin. Isang trahedya ang naging wakas ng kuwento ngunit di-tuwirang sinabi ng awtor na namatay ang tagapagsalaysay. Ginamit niya nag mga katagang nakahandusay sa sahig na pareho ko nang malamig na malamig. Nagkaiba ang dalawang kuwento sa paglikha, presentasyon at pamamaraang ginamit sa pagpapakilala ng mga tauhan. Isa sa kapansin-pansin sa paglikha ng tauhan ni Atalia ay ang paglalagay ng bansag. Si Cordero naman ay gumamit ng mga pangalan na nakagawian sa isang lugar.
Item type: Tesis
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
No physical items for this record

Bulacan State University 2009

Sinuri sa pag-aaral ang estilo ng manunulat ng mga maikling kuwentong nagwagi ng unang gantimpala – Si "Intoy Syokoy ng Kalye Mariano" ni Eros S. Ataliaat ikalawang gantimpala – "Langaw" ni Kristian Sendon Corderosa Gawad Pang-alaalang Carlos Palanca Sr. sa Panitikan sa taong 2006. Tinalakay ang nilalamang panlipunan ng dalawang maikling kuwento na nagsilbing gabay ng mga manunulat sa pagbuo nito upang magwagi sa patimpalak. Natuklasang ang pagdulog na pormalistiko sa dalawang kuwento ay di-tuwirang paglalarawan bilang pagpapakilala ng tauhan, ipinakita ang karakterisasyon sa kilos o galaw. Ginamit ang tunay na pook, ngunit di tinukoy ang tanging pangalan ng lugar para sa tagpuan. Gumamit si Atalia ng limang uri ng simbolo tulad ng arketipo, konkreto, sikolohikal, moral at sosyolohikal ngunit mas binigyang pansin ang sosyolohikal sa paglalantad ng panlipunan at pampulitikang karanasan ng isang lugar. Sa pagsusuri ng tunggalian sa kuwento ay ang tunggaliang tao laban sa tao-mental at pisikal at tao laban sa kanyang sarili. Sa diyalogo ng tatlong uri gaya ng balbal, lalawiganin at kolokyal. Kapanabikan sa kuwento ang paggamit ng imahinasyon sa mambabasa at ang magiging kahihinatnan ng pangunahing tauhan. At sa kasukdulan naman na tumutukoy sa dalawang kuwento ay di nakaabot sa kasukdulan kung pagbabatayan ay antas ng kasidhian at ang isa namang kuwento ay ang patindi nang patinding sa paglalarawan sa pangunahing tauhan.Tinalakay ang kalakasan sa dalawang kuwento sa pagtamo ng mga mithiin ng mga tauhan at ang pagbaba ng mga emosyon. Naging maintriga ang ginawang pagwawakas dahil hindi nailahad nang tuwiran ang naging kalutasan sa suliranin. Isang trahedya ang naging wakas ng kuwento ngunit di-tuwirang sinabi ng awtor na namatay ang tagapagsalaysay. Ginamit niya nag mga katagang nakahandusay sa sahig na pareho ko nang malamig na malamig. Nagkaiba ang dalawang kuwento sa paglikha, presentasyon at pamamaraang ginamit sa pagpapakilala ng mga tauhan. Isa sa kapansin-pansin sa paglikha ng tauhan ni Atalia ay ang paglalagay ng bansag. Si Cordero naman ay gumamit ng mga pangalan na nakagawian sa isang lugar.

Panitikan

There are no comments on this title.

to post a comment.
Share