TY - BOOK AU - Francia, Gilbert D. TI - Ang Bakla sa Panitikan at ang Krisis ng Representasyon sa Ladlad KW - ladlad KW - bakla KW - panitikan KW - diskurso ng paglalahad KW - Panitikan N1 - Panitikan N2 - Sumasaklaw ang saliksik sa pagbibigay kahulugan ng pagkabakla ayon sa Ladlad. Inusisa rin ang mga pamamaraan o estratehiya ng representasyon (pagsisiwalat o paglalantad) ng identidad at karanasang bakla. Gayundin ang materyalidad na pinagbabatayan ng nabanggit na representasyon ng karanasang bakla. Produkto ang Ladlad ng pagsasalikop ng mga diskurso at praktis na na humuhubog sa materyalidad ng pagkabakla. Bilang diskursibong praktis, pangunahing tunguhin ng Ladlad ang pagsasatitik o pag-aakda ng mga kahulugan ng pagiging bakla. Sa kabuoan, kumikilala ang saliksik sa problematikong kahulugan ng panitikang bakla. Sa kabila ng masigabo at maatikabong pagluluwal ng mga diskurso hinggil sa kaakuhan at kayarian ng panitikang bakla, masasabing hindi pa rin ganap na natutugunan ang mahigpit na pangangailangang galugarin ang lawak at lalim ng mga usaping sangkot sa pagtataguyod ng queer theory, o teoryang bakla, sa Pilipinas ER -