TY - BOOK AU - Jamendang Jr, Yolando B. TI - Isang imbestigasyon Foucauldian sa (Re) Produksiyon ng Hegemonic Masculinity sa Ilang Piling Tekstong Popular KW - hegemonic mascunity KW - teksto KW - repressive hypothesis KW - Panitikan N1 - Panitikan N2 - Naging layunin ng pag-aaral ni Jamendang na ilantad ang pamamaraan ng (re) produksiyon ng hegemonic masculinity sa lipunan at kulturang Filipino. Sentral sa paglalantad na ito ang imbestigasyon kung paanong itinatanghal ng hegemonic masculinity ang kaniyang sarili bilang natural at unibersal. Nagsilbing gabay ni Jamendang ang “repressive hypothesis” ni Michel Foucault na hindi lamang nagbabawal at nagdidisiplina ang kaalaman-kapangyarihan kundi lumilikha rin ito. Ibig sabihin, binibigyan ng pangalan ang ipinagbabawal, idinedetalye ang mga parusa para sa mga lalabag, itinatayo ang mga Kulungan para maihiwalay ang mga banta sa itinatag na kaayusan. Binanggit pa na ang tiyak na layunin ng paglikhang ito ay ang katawan at ang pagtutok sa paglikhang ito ang susi sa pag-unawa sa namamayaning kaayusan ng isang lipunan ER -