TY - BOOK AU - Banawa, Marie Joy D. TI - Kritikal na Evalwasyon ng Implementasyon ng CHED GEC sa Filipino sa Ilang Piling Unibersidad sa Rehiyon 10: Tungo sa Masaklaw na Palisi at Programa sa Filipino sa Rehiyon KW - ebalwasyon KW - CMO No. 59 KW - General Education Curriculum KW - Edukasyon N1 - Edukasyon N2 - Layunin ng saliksik natukuyin ang lawak ng implementasyon ng CHED Memorandum Order o CMO No. 59, s. 1996 o General Education Curriculum (GEC) sa Filipino sa siyam (9) na kolehiyo at unibersidad sa Rehiyon 10. Naipahayag ang mga patakarn at programa sa wikang Filipino ng mga institusyong ito. Nabatid ang mga pagpapahalaga at saloobin ng mga administrador, guro, at mag-aaral sa kahingian sa Filipino sa mga pandigring programa; at nagmungkahi ng mga hakbang sa pagbuo ng mga palisi at programa sa wika sa mga institusyong saklaw ng pag-aaral. Ginamit sa pag-aaral ang ilang teorya sa pagpaplanong angwika mula kina Einar Haugin at Joshua Fishman, gayundin ang kina Kaplan at Baldauf bilang patnubay sa ebalwasyon. Pinagtibay din ito ng impormasyong nalikom sa interbyu sa mga piling administrador at guro na nagpahiwatig na curricular revision ang pangunahing hakbang na palagiang isinasagawa sa pagsunod sa anumang atas ng CHED ukol sa kurikulum. Nalaman sa pag-aaral na bagaman may kalayaan ang mga chartered university sa pagpapatupad o hindi ng CMO No. 59 s. 1996, malinaw na sumusunod pa rin sa kautusan ang mga ito. ER -