TY - BOOK AU - Sortes, Marvel S. TI - Antas ng Kasanayan sa Pagtatayang Pangklasrum sa mga Asignaturang Filipino KW - Edukasyon KW - pagtatayang pangklasrum KW - Asignaturang Filipino N1 - Edukasyon N2 - Kuwantitatibo itong pananaliksik na may disenyong sequential explanotory na pangunahing layunin na tayahin ang antas ng kakayahan ng mga guro sa Filipino sa pagbuo ng mga tanong na nasa Higher Order Thinking Skills. Ginamit ang purposive enumeration sampling sa pagpili ng 32 na mga kalahok, para sa pagtugon ng mga katanungan na pangunahing layunin sa pag-aaral. Ginamit ang istandardisadong instrumento, ang Clasroom Observation Tool mula sa Individual Performance Commitment and Review Form (IPCRF) at ang survey questionnaire para sa Focus Group Discussion. Napatunayan sa pag-aaral na ang pangkalahatang antas ng kasanayan ng mga kalahok sa pagtatayang pangklasrum partikular sa kasanayan ng mga gurong magdisenyo, pumili, bumuo, at gumamit ng mga pagtatayang diagnostic, pormatibo at sumatibo gayundin ang mga estratehiyang alinsunod sa pagpapaunlad ng kurikulun at ang baryabol ay may antas na lubhang kasiya-siya (very satisfactory). Nalaman din na ang mga bilang ng taon sa serbisyo ng mga guro ay walang kaugnayan sa kanilang kasalukuyang antas ng kasanayan sa pagtatayang pangklasrum sa asignaturang Filipino. Napatunayan rin sa pag-aaral na ang teoryang Zone of Proximal Development ni Vygotsky (1978) na ang angkop na pagtataya ay nakapagdudulot ng tagumpay sa mga mag-aaral sapagkat naipakikita nila ang sariling kaalaman, pag-unawa at mga taglay na kasanayan. Ang pagkakaroon ng lubhang kasiya-siyang antas ng mga guro sa kanilang kasanayan sa pagtatayang pangklasrum ay nakatutulong din nang malaki sa mga mag-aaral na matayan nang maayos ang kanilang kakayahan. ER -