TY - BOOK AU - Catungal, Randolph G. TI - Likhang-Saling Modyul Para sa Disiplinang Calculus sa Ika-12 BaitangIsang Pananaliksik KW - calculus KW - istratehiya KW - kaangkupan KW - kakayahan KW - kagamitang pampagtuturo KW - modyul KW - pagtatasa KW - Edukasyon N1 - Edukasyon N2 - Nakatuon ang pag-aaral sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng binuong modyul bilang bagong kagamitang pampagtuturo. Naging layuning nito na gamitin ang mga aralin sa Ikaapat na Markahan, gabay sa kurikulum at makabagong teknolohiya upang makabuo ng materyal na maaaring gamitin sa antas senior high school at kolehiyo. Sinimulan ang pag-aaral sa pagbibigay ng limampung aytem na pagsusulit tungkol sa calculus pagkatapos ng Ikatlong Markahan. Gumamit ng purposive sampling dahil ang calculus ay isa sa mga asignatura ng mga mag-aaral ng Ika- 11 at ika-12 baitang ng pampublikong mataas na paaralan ng Lagro Taong 2018-2019, 2 Master Teacher (1 sa Matematika at 1 sa Filipino), at 2 Head Teacher (1 sa Matematika at 1 sa Filipino) ang mga nagsilbing tagapagtasa ng binuong modyul. Natukoy na pinakamahirap na aralin ang integral sa pamamagitan ng substitution, integral sa pamamagitan ng mga bahagi, at area sa ilalim ng curve. Nabuo ang modyul sa pamamagitan ng pagsasalin sa wikang Filipino, Kastila, at sa panghihiram sa wikang Ingles. Angkop na angkop at katanggap-tanggap ang naging pagtatasa ng mga field expert sa ginawang modyul ng mananaliksik. Mas mataas ang naging performans ng pangkat-experimental kung Filipino ang gagamiting wika sa pagtuturo ng calculus batay sa mean gain score na 14.27 sa post-test. At may bahagyang pagkakaiba ang dalawang pangkat pagdating sa panimula at panapos na pagsusulit batay sa z-computed values na 2.063 at 2.078 sa panimula at panapos na pagsusulit. Inirerekomenda ni Catungal na magsagawa ng ganitong pag-aaral sa ibang disiplina. Maaaring konsultahin ang mga ahensiya o institusyong nagpapaunlad ng wikang Filipino gaya ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa pagtatakda ng pagsasalin ng mga teknikal na termino sa ganitong pag-aaral. At bumuo ng isang leksikon na may kaugnayan sa disiplinang calculus at magsagawa ng pag-aaral nito kung ito ba ay magiging epektibo sa mga mag-aaral sa lebel distrito hanggang nasyonal. ER -