TY - BOOK AU - Gatdula, Supriano D. TI - Ang mga Katutubong Kaugalian sa Lungsod ng Parañaque at ang Implikasyon nito sa Edukasyon KW - Araling Kultural KW - katutubong kaugalian KW - Lungsod ng Parañaque KW - kalikasan KW - kahinaan N1 - Araling Kultural N2 - Pangunahing layunin ng pag-aaral na makilala ang mga katutubong kaugalian sa Lungsod Parañaque na hanggang sa kasalukuyan ay isinasabuhay ng mga mamamayan. Sinuriang kalakasan at kahinaan at matukoy ang implikasyong pang-edukasyon ng mga ito batay sa pagtuturo, kagamitang panturo, at gawaing kurikular. Ginamit na pamamaraan ang kuwaliteytib para sa deskriptibong tulad ng paghahanda ng talatanungan, editing ng talatanungan, at balidasyon ng instrumento bago ito ipinasagot sa 992 kalahok na pawang mag-asawang nasa edad 30 pataas. Natuklasan sa pag-aaral na umiiral pa rin ang mga kaugalian hinggil sa panliligaw, pagpapakasal, paglilihi, pagdadalang-tao at panganganak, pagbibinyag, pagdiriwang ng pista, paglalakbay, pagbuburol, at pagpapalibing. Nilinaw sa pag-aaral na kung hindi man tuwirang makikita ang ibang katutubong kaugalian, hindi nangangahulugang tuluyan na itong kinalimutan o hindi na sinusunod bagkus ang ilan sa mga ito ay nasa ibang anyo lamang bunsod na rin ng pamamayagpag ng makabagong teknolohiya at kaunlaran. Ipinaliwanag naging mga positibong dulot ng katutubong kaugalian ang pagkakaroon ng damayan sa barangay; pagkakaroon ng pananalig sa Diyos; mabuting pakikisama sa kapuwa; pagiging malapit sa isa’t isa ng mga miyembro ng pamilya; paggalang sa nakatatanda; at pagkilala sa damdamin, pilosopiya, o pananaw sa buhay ng bawat isa. Samantalang ang mga negatibong dulot ng mga katutubong kaugalian tulad ng kawalan ng magandang simulain sa buhay, kawalan ng pag-uugnay ng sarili sa lipunan, labis na pagkakaroon ng impluwensiya sa kapuwa, kawalang pagsisikap sa sarili upang umunlad, kakulangan ng tibay ng loob o paninindigan, at pagiging negatibo ng kaisipan ng mamamayan. ER -