TY - BOOK AU - Sumalde, Paul A. TI - Catandungan Folk Songs: A Critical Analysis KW - Araling Kultural KW - folk songs o katutubong-awit KW - liriko KW - pagpapahalaga N1 - Araling Kultural N2 - Binigyan ng kritikal na pagsusuri ang mga katutubong awiting Catandungan sa aspekto ng nilalaman ng liriko at musikalidad. Natuklasan sa pag-aaral ang nilalaman (lyrical content) ng mga katutubong awiting Catandungan lalo na ang tema, hatid na aral o pagpapahalaga, uri ng wikang ginamit, at ang kasangkapang poetika. Pinili ang mga nakalap na awitin na may halagahang moral, sikolohikal, at sosyolohikal. Mayroong mga katangiang pangmusika batay sa anyo, sukat, tempo, at ritmo. Isinagawa ang pag-aaral gamit ang metodong kuwaliteytib na nakatuon sa critical content analysis kung alin sa mga nakalap na awitin ang nararapat gamitin sa mga asignaturang Sining ng Komunikasyon, Edukasyon sa Pagpapahalaga, o Sibika at Kultura. Nalamang ang nangingibabaw na tema sa mga nakalap na katutubong awitin ay pagmamahal ng ina sa anak, mga pagdurusa sa mundo, pagpapahalaga sa kalikasan, pagbangon mula sa kabiguan, suliraning pampamilya, paghihirap at kalungkutan, pagpanaw, wastong kaasalan, personal na tunguhin at pananagutan, pesimismo, at malalim na pagtatangi sa kababaihan. Inilahad din sa naturang mga awitin ang pagmamahal at malasakit sa magulang, pagiging relehiyoso, pagpapahalaga sa kalikasan, pagtitimpi at pagtitiis, determinasyon at katatagan, pagiging responsable at mapamaraan, pagbibigay o pagpaparaya, mabuting pagpapasiya, paggalang sa kapuwa, pagtanaw ng utang na loob, tiwala sa sarili, at pagpapahalaga sa sining. Hinggil sa katangiang musikal, isang awitin ang natukoy na may kumbensiyonal na sukat, pito ang may regular na bilang ng pantig sa bawat linya, at walo ang walang regular na bilang ng pantig sa bawat linya. Samantala, nakitaan ng kahalagahang sikolohikal ang walong awitin at tatlo ang may pagpapahalagang moral at espiritwal. Para sa katangiang musikal, 13 awitin ang may anyong unitary, dalawa ang ternary, at isa ang binary. ER -