TY - BOOK AU - De La Paz, Cecilia S. TI - Ang Poón ng Lucban, Quezon: Ang Iskulturang Pangrelihiyon bilang Pandayan ng Kahulugan, Kasaysayan, at Relasyong Panlipunan KW - Araling Kultural KW - eskulturang panrelihiyon KW - pandayan ng kahulugan KW - relasyong panlipunan N1 - Araling Kultural N2 - Pangunahing layunin ng saliksik na mailarawan ang mga eskulturang panrelihiyon sa Lucban, Quezon na tinawag na poón bílang bahaging materyal ng kulturang Filipino. Inilahad kung paano nito binibigkis, pinapanday, at pinagtitibay ang ugnayang panlipunan ng mga namamanata sa imahen at ng mga pamilyang nagmamay-ari nito. Ipinakita sa saliksik ang mga prosesong humuhubog sa pag-unawa o pagpapakahulugan sa sarili at sa bayan. Naging gabay sa matalisik na paliwanag ang mga perspektiba sa sining, kasaysayan, at antropolohiya upang maipakita kung paanong nagsisilbing behikulo sa paghahatid ng mga konsepto o ideang panrelihiyon ang nabanggit na mga eskultura o imahen. Hindi lamang mga simbolikong ekspresyon ng paniniwalang panrelihiyon ang naipamalas kundi mga tagapamigkis at tagapagpatibay ng lokal nating kultura. ER -