TY - BOOK AU - Amalla, Carlito C. TI - Suyam tu Agusan Manobo: Tradisyon at Inobasyon sa Sining ng Pagbuburda ng Damit KW - Araling Kultural KW - pagdidisenyo KW - sining ng pagbuburda KW - tradisyon sa pagdidisenyo KW - paggagayak ng palamuti N1 - Araling Kultural N2 - Pangkalahatang layunin ng saliksik na mailarawan ang mayamang kultura ng pagsusuyam o pagbuburda at kaakibat na espiritwalidad, estetika, o sining ng mga Agusan Manobo. Inilarawan ang kaangkinang kultural ng nabanggit na pangkat etniko sa naganap o nagaganap na pagbabago o ebolusyon sa disenyo ng makukulay na burda sa kasuotang Manobo. Pinatunayan sa pag-aaral ang representasyon o taglay na kahulugang panlipunan ng bawat disenyo. Ipinakita ang estruktura ng lipunang Manobo na masasalamin sa bawat uri ng disenyo o batay sa kung sino-sino ang maaaring gumamit ng mga ito. At ang pag-unawa sa komplikadong proseso ng pagbuburda at ang metikulosong paghahanda ng mga kakailanganing materyales. Natatangi ang pag-aaral dahil sa matalisik na pagsusuri sa pag-uswag ng tradisyong suyam o pagbuburda bilang paraan ng pamumuhay at pakikipamuhay. Itinanghal dito ang inspirasyon ng mayamang kultura ng pagdidisenyo, pagkukulay, paggagayak ng palamuti sa katawan, at mga ritwal sa pagbuburda. ER -