TY - BOOK AU - Nibalvos, Ian Mark Pompac TI - Pagpapahalagang Pilipino sa mga Piling Siday ng San Julian, Silangang Samar KW - Araling Kultural KW - halagahan (values) KW - siday KW - tula KW - kultura KW - panitikan KW - makata N1 - Araling Kultural N2 - Sinuri sa pag-aaral ang mga halagahang Filipino, gamit ang tatlong teorya ng klasipikasyon ni Florentino T. Timbreza at nina Bulatao, Gorospe, Cordero, Paterno at Crisol; at ang Theory of Basic Human Values ni Shalom H. Schwartz. Tumuon ang pag-aaral sa pagsusuri ng mga akda (siday o mga tulang Lineyte-Samarnon) gamit pagdulog na intertextual. Kinuha sa mga tula na mula sa iba’t ibang mga aklat na may kaugnayan sa halagahang Filipinong nakapaloob sa mga piling siday. Piniling valideytor ang mga guro ng panitikan at kasaysayan sa elementarya, sekundarya at kolehiyo ng mga tulang gagamitin sa pagsusuri, kabilang ang mga nagmula sa San Julian Central Elementary School at San Julian National High School, isang dating propesor sa Literatura sa U.P. Visayas Tacloban College, at isang propesor sa Araling Panlipunan sa Eastern Samar State University. Sinuri ang mga siday batay sa pamantayang binuo tulad ng pagiging “paragsiday” na taga-San Julian ng Silangang Samar; nakuha mula sa Cultural Heritage Map ng bayan ng San Julian, mga souvenir program ng mga sumulat ng tula; ang siday ay patuloy na binibigkas ng mga San Julianon at nagtataglay ng mga pagpapahalagang Filipino. Natukoy ang mga pagpapapahalagang Filipino sa sampung siday na isinulat ng mga makata o “paragsiday” na mga San Juliananon. Ilan sa mga ito ang pagmamahal sa bayan, pagpapahalaga sa kalikasan, kasipagan, pagpapahalaga sa pamilya, tiwala, pananampalataya sa Diyos, pagpapahalaga sa kababaihan, pagkamasunurin, pagtitiis, pagtanaw ng utang na loob, at pagmamalasakit. ER -