TY - BOOK AU - Alma,Rio TI - May mga damdaming: higit kaysa atin SN - 9789715427746 U1 - 899.21113 23 PY - 2015/// CY - Manila PB - University of Santo Tomas Publishing House KW - Philippine poetry KW - Collection N1 - Repormado't retokado -- Sabilante't sibilino -- Okasyonal at personal N2 - "Sa unang antas, aklat itong nagpapakita ng paggamit ng iba't ibang tradisyonal na hubog ng tula, katutubo man o Kanluranin, at kung paano higit na pakikinabangan ang tugma at/o sukat sa makabagong pagtula. Sa ikalawang antas, nais magpugay ni Rio Alma sa mga makapang-yarihang damdaming mahirap saklawin ang mga bagay na maselan at nakapangangambang timbangin, kaya laging binabalikan sa gunita, pinagninilayan sa kasalukuyan, at hinuhulaan sa o kung ano ang hinaharap. Ngunit narito rin ang tunay na katangian ng pagtula ni Rio Alma-may iba't ibang tinig at balatkayo: magiliw, mapangutya, nanunuya; may mga sestina sa agam-agam at pagkahinog, mga serenata sa giniginaw na gabi, pantoum sa umaga ng amapola, talingdaw sa tumatanda at dalit sa pambansang sining, rondel sa salita at sa babaeng kumakain ng salita, at mga villanelle sa mga minamahal at kahit sa matatag na republika. Mayaman, masalimuot, at sa huli'y makapangyarihan ang tula ni Rio Alma-laging liriko at satariko, nagbubunyi, nagdadalamhati, at naglalatag ng mga bitag at lunggati-lalo na sa pagharap sa mga damdaming higit kaysa atin."--Cover ER -