Sa Sining ng Paninimbang: Ang Panahong 1969-1996 at ang Pagtula ni Mike L. Bigornia Baquiran Jr., Romulo P.

By: Material type: TextTextSubject(s): Dissertation note: Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon 2003 Summary: Layunin ng saliksik na mailahad ang mga pangyayari sa panulaang Filipino at kung paano itinala ng makata ang matingkad na karahasan sa kilusang aktibista at pamumuhay sa panahon ng Rehimeng Marcos hanggang sa pagtatagumpay ng Rebolusyong EDSA. Tinalakay ang pagsasa-alangalang ng makata sa kaniyang pagtula ayon sa pahayag ni Bienvenido Lumbera na “paninimbang” ng mga manunulat sa Galian ng Arte at Tula (GAT), isang samahan ng mga manunulat na umiiral sa panahon ng batas militar. Ang binanggit na “paninimbang” ay nauukol sa pagsulat na umiinda sa kalagayang pampolitika kaya’t masugid ito sa paghahanap at pagtuklas ng maingat na paraan ng pananaludtod sa panahon ng panlipunang krisis. Inilarawan ang tunguhin ng pagtula ni Michael “Mike” L. Bigornia na itinuturing na pangunahing makata sa Filipinas na sumulat sa loob ng panahong saklaw ng pag-aaral gaya ng matutunghayan sa mga tulang naisulat niya sa Dawn, Galian, Sagisag, at sa mga koleksiyong Puntablangko (1985), Salida (1996), at Prosang Itim (1996).
Item type: Tesis
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
No physical items for this record

Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon 2003

Layunin ng saliksik na mailahad ang mga pangyayari sa panulaang Filipino at kung paano itinala ng makata ang matingkad na karahasan sa kilusang aktibista at pamumuhay sa panahon ng Rehimeng Marcos hanggang sa pagtatagumpay ng Rebolusyong EDSA. Tinalakay ang pagsasa-alangalang ng makata sa kaniyang pagtula ayon sa pahayag ni Bienvenido Lumbera na “paninimbang” ng mga manunulat sa Galian ng Arte at Tula (GAT), isang samahan ng mga manunulat na umiiral sa panahon ng batas militar. Ang binanggit na “paninimbang” ay nauukol sa pagsulat na umiinda sa kalagayang pampolitika kaya’t masugid ito sa paghahanap at pagtuklas ng maingat na paraan ng pananaludtod sa panahon ng panlipunang krisis. Inilarawan ang tunguhin ng pagtula ni Michael “Mike” L. Bigornia na itinuturing na pangunahing makata sa Filipinas na sumulat sa loob ng panahong saklaw ng pag-aaral gaya ng matutunghayan sa mga tulang naisulat niya sa Dawn, Galian, Sagisag, at sa mga koleksiyong Puntablangko (1985), Salida (1996), at Prosang Itim (1996).

Panitikan

There are no comments on this title.

to post a comment.
Share